Sa bawat hakbang ko sa madilim at maputik na pasilyo ng abandonadong gusaling ito, tila bumibigat ang hanging hinihinga ko. Bawat kalansing ng mga bakal sa paligid ay nagpapabalik sa akin sa isang gabing pilit kong ibinabaon sa limot, ngunit laging humuhukay pabalik sa aking mga panaginip. Dalawampu’t siyam na taong gulang na ako ngayon. Sa loob ng labimpitong taon, binuo ko ang aking katawan, ang aking isipan, at ang aking pagkatao sa paligid ng isang layunin: ang pananahimik at subukan mabuhay. Pero habang papalapit ako sa dulo ng pasilyong ito, muling bumabalik ang pakiramdam ng pagiging isang batang labindalawang taong gulang. Ang pakiramdam ng maliliit na kamay na nanginginig, ang amoy ng ulan sa kalsada, at ang nakapapangilabot na tunog ng isang bala ng baril na bumaon sa puso ni Kuya Warren na habang buhay nagpatahimik sa kanya. Binuksan ko ang pinto. Doon, sa ilalim ng isang aandap-andap na bumbilya, nakita ko siya. Si Josepth Marcos. Sa paligid niya ay higit baenteng tauhan
Leer más