LOGIN“Astrid!”Hindi ako nakagalaw ng marinig ang pagtawag niya sa pangalan ko. May diin kasi sa boses niya na nagpanginig sa kalamnan ko.Ito na nga ba ang sinasabi ko. Alam na niya ang tungkol sa anak ko. Ang kailangan ko na lang gawin ngayon, ay magpakatotoo. Ngunit kaya ko ba na magpakatotoo? Kung ang mundo niya ay ganito? Makakasama lamang siya sa buhay ng anak ko.Kinalma ko muna ang sarili bago dahan-dahan na humarap sa kaniya. Lahat ng mata ay nakatutok sa akin. Ang mga taong gusto lang manood ay natutuwa sa nakikita nila. Hinihintay ang susunod na gagawin ni Thor, at parang inaasahan na nila na sisilaban ako ng buhay ng kanilang amo.Hindi ako lumapit sa kaniya. Kaya naman siya na ang naglakad palapit sa akin. Tahimik niyang inayos ang nakalihis kong damit, kita na kasi ang strap ng bra ko.Lumabas ang mga ugat sa likod ng palad niya. Inayos niya din ang damit ko, tahimik. Hindi ko mabasa ang mga mata niya, kaya mas lalo itong nakakadagdag sa kaba na nararamdaman ko.“Tell me, say
Somosobra na talaga siya. Akala niya siguro papalagpasin ko ang ginawa niya ngayon. Nagkakamali siya. Huwag ang isang ina na walang ibang hinangad kung hindi ang kaligtasan ng anak niya.In short, huwag ako. Kaya kong makipagpatayan pagdating sa anak ko.“Really?” Pagsasalita niya dahilan upang muli akong huminto sa paglalakad. “Masasabi mo pa ba ‘yan kapag may masama ng nangyari sa anak mo?”Habol ang hininga na muli ko siyang hinarap. Pagdating talaga sa anak ko ay nagiging sensitive ako. Hindi ako papayag na pagbabantaan niya ang anak ko.“Bakit Sofia, ano'ng plano mo? Kikidnapin mo siya at gagamitin pain sa akin para iwan ko ang lalaking pinapangarap mo?” Inis na tanong ko. Nanginginig ang buo kong katawan ng maglakad ako palapit sa kaniya. Pareho kaming masama ang tingin sa isa't isa. “Subukan mo Sofia! Sisiguraduhin kung sa impyerno ang bagsak mo kapag ginalaw mo maski ang dulo ng buhok ng anak ko…”Nahanap niya ang pindotan sa katawan ko upang mainis at magalit sa kaniya. Sinas
Palagi kong sinasabi na ayaw kong makita na nasasaktan ang anak ko. Kaya nga hanggang ngayon nahihirapan pa rin akong ipagtapat kay Thor ang tungkol sa kaniya.Natatakot kasi ako na baka, hindi siya matanggap. Matagal kong itinago sa nakararami ang tungkol kay Astria, lalo na sa mga nakakakilala sa akin dahil ayaw kong husgahan siya ng mga tao.Bata na walang ama. Batang lumaki na hindi nakilala ang kanyang ama. Ilang beses ng tinanong sa akin ni Astria ang tungkol sa papa niya, ang madalas kong dahilan ay balang araw ay sasabihin ko rin sa kanya ang tungkol sa kanyang ama.Hindi ko kilala ang ama niya. Isang aksidente ang nangyari, bagay na kailanman hindi ko pinagsisihan. Kahit na ang kapalit nito ay itakwil ako ng mga magulang ko.Ngunit tadhana na mismo ang naglapit sa amin ni Thor. Muli kaming nagkita, ngayon may pagkakataon na akong sabihin sa kaniya ang totoo. Gusto ko manggaling sa akin ang tungkol sa anak namin, hindi ‘yon malalaman niya sa iba na may anak na ako.Pero ngayon
Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking dala. Hindi ako nakagalaw at halos manginig sa hiya sa sinabi niya.Sumulyap ako kay Thor ng hawakan niya ang bewang ko. “Dad, why are you here?”Kung nakakatakot ang boses ni Tony Santos, ay mas nakakatakot ang naging boses ni Thor ng tanongin niya ang kaniyang ama.Nagulat ako ng mas hinatak pa ako ni Thor palapit sa kaniya. Hindi rin nawala sa paningin ko ang mapanuring tingin ng mga empleyado nila. At si Tony Santos naman ay nanatiling diretso ang mukha, taas noo habang nakatingin sa akin.“Nandito ako upang sunduin ang magaling kong anak. Kaarawan ngayon ng mama mo pero iba ang inaasikaso mo…” Sambit niya bago naiirita na sumulyap sa akin.“I already gave her a flower dad, nanggaling na rin ako doon upang batiin siya…”“That is not enough, you need to spend your day with her and Sofia…” Sumilip ang maliit na ngiti sa labi ng matanda. “Besides, Sofia is a good girl son—”“You see Warren's murderer as a good person now…” hindi ito makapaniwala
Hindi ako naging maingat. Hindi ko nga natunogan na may laman ng bata sa sinapupunan ko eh. Kung alam ko lang. Sana mas iningatan ko pa ang sarili.Sobrang pagsisisi ang nararamdaman ko ngayon sa pagkawala ng anak namin, pero wala kaming magagawa, nangyari na ang dapat mangyari.“Walang ibang dapat sisihin dito, kung hindi si Sofia!” Umigting ang panga niya bago binaling sa akin ang tingin.Seryso niyang kinain ang ice cream habang may inis pa rin sa mga mata. Napailing na lang ako. Ang manly niya tignan pero kumakain ng ice cream.“Thor, pwede ba kitang tanungin?” Seryosong tanong ko.Nakuha ko naman ang buo niyang attention, tuluyan inubos ang ice cream na kinakain bago humarap sa akin.Napa ayos naman ako ng pagkakaupo. I love Astria so much! Gagawin ko ang lahat para sa kaligayahan ng anak ko. Kahit ang kaligayahan niya ay may posibilidad na masira kami ni Thor.“Sure wife, ano ‘yon?” Binigay niya ang buong attention sa akin at hinintay akong magsalita.Huminga muna ako ng malalim
Napatingin kaming lahat kay Sofia Vergara na kararating lang. Malaki ang ngisi sa labi niya ng tumapat siya sa akin.Hindi talaga mawawala ang maikling kasuotan niya na halos makita na ang pisngi sa pwet sa sobrang hindi kaaya-ayang kasuotan. Paano ba nagustohan ito ng pamilya Santos? Mabuti na lang hindi niya nakuha si Thor ko!“Malapit na kaming ikasal, hindi ba nasabi ni Thor sayo?”Napahawak naman ako sa bibig ko, gamit ang kamay kung nasaan ang wedding ring namin ni Thor. Sinadya ko itong ipakita sa kanila.“Talaga?” Kunwari ay sabi ko bago pinasadahan ng tingin ang daliri ko bago tinapat ito sa harap nila.Nagulat ang dalawang nurse ng makita ang daliri ko. Komoyom naman ang kamao ni Sofia at nanggagalaiti sa inis na nakatingin sa akin.“Bakit binigyan ka na ba ng singsing?” Ako kasi binigyan na niya.” Pang-aasar ko pa.Gaya ng sabi ko, hindi ako papayag na magpa bully sa kaniya. Hindi habang humihinga pa ako.“Ikaw—”“Baka naman peke ang singsing na ‘yan? Diba Ellada?” Naghanap







