Mag-log inAng wasak na puso ni Astrid ang nagtulak sa kaniya sa bar at uminom hanggang sa malasing dahil nahuli niya ang kaniyang boyfriend na nakikipagtalik sa iba. Sa sobrang kalasingan hindi namalayan ni Astrid ang mga nangyari at nagising na lang siya katabi ang estrangherong lalaki. Si Thor Santos ay isang Bilyonaryong arogante na biktima ng droga at ginamit ang magandang babae upang maibsan ang init na nararamdaman. Nagising ang binata na wala na ang dalaga sa tabi niya. Naalala pa niya ang mga nangyari kagabi ngunit hindi na niya matandaan ang mukha ng dalaga. Nalaman din ng binata na siya ang nakauna sa dalaga kaya naman pinahanap niya ito. Paglipas ng limang taon, nangailangan ng pera si Astrid kaya naman kahit walang pinag-aralan ay sumabak pa rin siya sa malaking kompanya upang magtrabaho. Samantala, si Thor naman ay tinakot ng mga magulang na kailangan niyang pakasalan si Sofia o kailangan niyang maikasal upang mabigyan sila ng apo, kung hindi siya pumayag ay tatanggalin siya sa kompanya. Hindi papayag si Thor na mawala sa kaniya ang kompanya kaya naman ng makita niya ang babae na desperada na makapagtrabaho sa kompanya. Kaya binigyan niya ito ng kasunduan kapalit ang malaking pera na alam niyang hindi matatanggihan ng dalaga, ang kontrata ng pagpapakasal.
view morePinantayan ko ang taas ng anak ko at inayos ang takas na buhok bago tinignan ang nasa loob ng store na naka display sa may salamin na pader."Gusto mo ba ang doll anak?" Malambing na tanong ko sa kaniya.Lumawak ang ngiti niya sabay iling. "Mama marami na po ako doll na binili mo." Sabi niya pero taliwas ang sinasabi ng kaniyang mga mata.Si Elsa ito ng Frozen. Malaki, sa hula ko ay magkasing tanggad ng anak ko at ang doll."Tiyaka mahal iyan mama, wala tayo pera..." Dagdag pa niya bago kinuha ang kamay ko at sinubukan hatakin palayo sa toy store. Nagtinginan kaming tatlo. Sabay na tumango si Gelo at Divine sa akin. Tumayo na ako at nagpahatak sa anak ko.Umalis man kami sa lugar na iyon ngunit naiwan naman ang isip ko sa harap ng toy store at kay Elsa. Kaya naman ng may pagkakataon. Habang kumakain kami sa isa sa mga stall sa loob ng mall ay nagpaalam ako sa kanila na iihi lang ako."Sama ako mama?" Paglalambing ng anak ko. Niyakap ang braso ko ng mahigpit, napansin ko na paiyak na
"Masarap?" Nakangiti na tanong ni Thor.Nasa mamahalin kainan kami ngayon. May malaki na Chandler sa gitna ng restaurant. Magkakalayo ang mga table na halos hindi ko na matanaw. Madilim ang paligid. May tumutugtog ng violin sa isang tabi habang kumakain kami.Nahihiya pa ako dahil ang simple ng suot ko. Pareho kaming nakapang bahay ni Thor. Ang sabi niya kasi kakain sa labas. Akala ko iyong nakikita sa mga street hindi ko naman alam na sa Fancy restaurant pala niya ako dadalhin.Mukha tuloy kaming naligaw na pulubi. At least kahit naka pang bahay si Thor at walang alahas sa katawan bukod sa relo niya, eh mukha pa rin siyang mayaman. Samantala ako mukhang basahan."Oo, malambot siya tapos naiiwan sa dila ang lasa..." Sabi ko. Tumango siya. "Bakit pala dito tayo kumain? Sigurado na mahal dito..." Nahihiyang tanong ko."Deserve mo lahat ng mahal na pwedeng mabili dahil mahal kita..." Sabi niya, nakita ko ang pamumula ng leeg at pisngi niya.Natawa na lang ako. "Talaga?" Sabi ko, tumango
"Nasaan ang anak ko?" Galit na tanong ko sa kaniya."Mabuti naman dumating ka. Kailangan ka pa palang pwersahan eh bago magpakita." Natatawa na sabi niya. "Nasaan ang pera."Diyos ko naman Cris bakit kailangan mong idamay ang pamangkin mo? Alam mo naman na may sakit siya diba?"Ibang iba na ang Cris na kaharap ko ngayon kaysa noon. Alam ko na makasarili na siya noon pero mas malala siya ngayon. Mas lalo rin siyang pumayat at nangingitim ang gilid ng mga mata niya."Ilang beses akong nagpunta sa bahay niyo, ang sabi ni Tanda nasa hospital ka raw. Napano ka ba? Sa pagkakaalam ko hindi ka naman sakitin.""Please ilabas mo na si Astria. Baka mapano ang anak ko Cris, hindi ko kakayanin...." Halos maiyak na sabi ko.Umiling siya at lumapit sa akin. Nagulat ako ng bigla niyang kunin ang braso ko. Kumunot ang noo niya at kahit pilitin niyang itago ay hindi niya naitago ang gulat at galit na dumaan sa mga mata niya."Sugat na galing sa latigo ito ah. Sinasaktan ka ba ng walang hiya mong asawa
Umalis din agad si Divine dahil tumawag si Gelo sa kaniya at sinabing hinahanap siya ni Astria. Hindi naman niya pwedeng sabihin sa anak ko na nanggaling siya sa akin dahil tiyak na magtatampo iyon.Pag alis niya ay tumahimik na naman ang paligid. May dumating na nurse at tiningnan ang kalagayan ko. Pagkatapos ay binigyan nila ulit ako ng gamot at pinahiran ng cream ang sugat ko upang habang gumagaling siya ay hindi magkaroon ng peklat ang balat ko.Ilang araw pa akong nanatili sa hospital. Araw-araw akong dinadalaw ni Thor upang dalhan ng makakain o hindi kaya ay para bihisan ako. Sa umaga at gabi naman ay nag oorder siya ng makakain ko at pinapadala dito, may kasama pang bulaklak.Inayos ko ang buhok ko. Ngayon araw na ako makakalabas. Naka ayos na lahat, si Thor ay binabayaran na lang ang bill ko."Let's go?" Saad niya ng makapasok sa loob.Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Pagkalabas namin ay lumanghab agad ako ng sariwang hangin. Sa wakas ay nakalabas na ako.Naglakad kami papunt












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Rebyu