"Mama!" Ang boses na iyon—ang maliit at gumaralgal na boses ni Astria—ang tanging tunog na nakapagpabuhay sa namatay kong sistema. Binuka niya ang kanyang maliliit na kamay, isang paanyaya na tila isang dalangin na sa wakas ay sinagot. Sa bawat hakbang ko palapit, parang hinuhukay ang lahat ng pagod na ibinaon ko sa libing ni Papa. Nang lumambitin siya sa leeg ko, doon ko naramdaman ang tunay na bigat: ang bigat ng pagmamahal na muntik ko nang ipagpalit sa tungkulin. "Mama, namiss po kita..." bulong niya. "Namiss din kita, anak... sobra," tugon ko, habang ang mga luha ko ay pilit na kumakawala. Niyakap ko siya nang higit pa sa mahigpit, tila ba kapag binitawan ko siya ay maglalaho siya na parang usok. 𝑆𝑎𝑙𝑎𝑚𝑎𝑡, 𝐷𝑖𝑦𝑜𝑠 𝑘𝑜. 𝑆𝑎𝑙𝑎𝑚𝑎𝑡 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑚𝑜 𝑘𝑖𝑛𝑢ℎ𝑎 𝑎𝑛𝑔 ℎ𝑢𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙𝑎𝑛 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑘𝑖𝑡 𝑝𝑎 𝑎𝑘𝑜 ℎ𝑢𝑚𝑖ℎ𝑖𝑛𝑔𝑎. Ilang sandali pa ay nagagawa na niyang maglaro sa kama. Pinapanood ko siya habang nagbabalat ako ng orange. Bawat p
Leer más