“What happen baby?” Dali-dali akong lumapit kay Astria. Nakaupo siya sa gitna ng kama, nanginginig ang kanyang maliit na balikat at tila hindi makahinga sa tindi ng hagulgol. Kahit si Divine ay litong-lito na kung paano siya pakakalmahin. Kinabig ko siya sa aking dibdib, pilit na ipinaparamdam na nandito ako, na buhay ako.. “K-Kasi sa panaginip ko, nakita ko si Tita sofia…. Sasaktan ka raw niya mama, hindi pwede, nakakatakot siya.” Muling rumagasa ang mainit na likido sa kanyang mga mata na nagpapa-alala sa akin sa kanyang ama. Nagkatinginan kami ni Divine, nakita ko ang gulat sa mga mata niya; hindi inaasahan ang lalabas sa bibig ni Astria. Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Hinaplos ko naman ang buhok niya pagkatapos kong punasan ang luha sa mga mata niya. “Sshh… No, baby. Dream lang ’yon,” pag-alo ko, kahit ang sarili ko ay halos gumuho na sa kaba. “Hindi totoo ’yon. Hindi ka iiwan ni Mama, hinding-hindi.” Tumango ang anak ko. Rinig ko pa rin ang hikbi niya kahit nakapiki
Baca selengkapnya