Pinaniwala ko ang sarili ko na hindi matatanggap ni Thor si Astria, kahit na hindi pa naman niya ito nakakaharap. Bagay na pinagsisihan ko ngayon, dahil higit kanino man si Thor ang kailangan ng anak ko.Sinabi ko sa aking sarili na kakalimutan ko na siya, at bubuo kami ng panibagong memorya ni Astria sa probinsya ng Damortis. Sa sitwasyon ngayon ng anak ko, mahihirapan kaming gawin ‘yon.Habang nasa biyahe pabalik ay hindi ako tumigil sa pagdadasal. Hinihiling ko na sana maging malawak ang pag-iisip ni Thor, na sana kahit magalit siya, tanggalin niya ang anak namin.Naging mahaba ang biyahe pabalik sa bahay namin, ngunit imbis na pagod ang maramdaman ay kaba ang nangingibabaw sa akin. Habang naglalakad sa subdibisyon nila Thor hindi ko maiwasan kabahan. Malakas ang kabog ng puso ko at para akong natatae na hindi ko maintindihan.Mataas ang bungang araw kaya naman nanlalagkit ang katawan ko sa sobrang init. Habang naglalakad, napansin ko ang sasakyan na biglang nagdahan-dahan ang pag
Zuletzt aktualisiert : 2026-03-25 Mehr lesen