Ahtisa's POV Today is the day!Nakaready na ako at nandito na rin ang helicopter na sasakyan namin pabalik ng City. Wala akong dalang kahit na ano'ng mga gamit dahil wala rin naman akong dinala papunta rito."Let's go," seryosong sabi ni Kairon at hinapit ang baywang ko para alalayan ako papasok ng helicopter.Ngumiti ako, "Thank you."Nang makapasok ako ay sumunod siya sa aking tabi. Apat lang kaming sakay ng helicopter, dalawang piloto, ako at si Kairon.Inayos muna ni Kairon ang seatbelts namin saka niya sinenyasan ang mga tauhan niyang umandar na. Habang nasa byahe hindi ko mapigilang ma excite dahil sa wakas! Pakiramdam ko ay nakalaya na ako.Ikaw ba naman ang makulong sa isla ng mahigit isang buwan, 'di ba?!Tahimik at naging madali ang aming byahe.Wala pang dalawang oras ay nakarating na kami sa rooftop ng Watson Corporation, dito lumapag ang helicopter.Naunang bumaba si Kairon para alalayan ako, "Are you okay?" Tanong niya sa seryosong boses.Ngumiti ako, "Yup, I'm fine." S
Read more