Contracted Surrogate of the Billionaire

Contracted Surrogate of the Billionaire

last updateLast Updated : 2025-08-14
By:  MjaryeanUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
7views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Dahil sa hindi mabayarang utang na iniwan ng ama ni Ahtisa sa kaniya, kailangan niyang tanggapin ang kontratang maging surrogate ng tagapagmana ng bilyonaryong CEO na si Kairon Watson at ng girlfriend nitong si Celine Valdez. Apat na taon nang nagsasama si Kairon at Celine pero hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak dahil may problema si Celine sa kaniyang obaryo. Iyon ang dahilan kung bakit tutol ang mga magulang ni Kairon na magpakasal sila dahil kailangan nila ng tagapagmana, hindi sila p'wedeng mag-ampon dahil ang gusto ng mga magulang ni Kairon ay sarili dapat nilang apo at kadugo ang magmamana sa yaman nila. Doon nila napagdesisyon na kumuha ng surrogate na magdadala ng tagapagmana ni Kairon. Pinatira ni Kairon si Ahtisa sa kaniyang mansion. Ang kasunduan nila ay mabuntis si Ahtisa sa loob ng isang buwan, kung hindi ay hahanap sila ng ibang surrogate. Hindi nakatira ro'n si Celine dahil palagi itong busy sa trabaho kaya may sarili siyang bahay malapit sa pinagtatrabahuan niya at madalang lang siyang bumisita sa bahay ni Kairon. Sa halos araw-araw na pagtatalik ni Kairon at Ahtisa, hindi sila nabigong magbunga ito sa loob ng isang buwan. Sa pagdadalang-tao ni Ahtisa, namuo ang inggit sa kaniya ni Celine, lalo na kapag nakikita niya kung paano siya protektahan ni Kairon. Hindi maiikaila ni Ahtisa na mahal niya na si Kairon at alam niya sa sarili niyang hindi niya na kayang ibigay sa kanila ni Celine ang batang dinadala niya dahil minamahal niya na rin ang batang nasa sinapupunan niya. Ano na ang gagawin ni Ahtisa? Paano niya kahaharapin ang galit sa kaniya ni Celine? At paano niya lalabanan ang pagmamahal na nararamdaman niya kay Kairon kung sa una palang ay mali na ito? Wala sa kontrata nila ang umibig siya sa ama nang pinagbubuntis niya!

View More

Chapter 1

Chapter 1: Contract

"Ano'ng ginagawa niyo?! Hindi niyo ako p'wedeng palayasin dito! This is our property!" Galit na sigaw ko habang pinipigilan ang mga taong nakasuot na itim na pilit na pumapasok sa aming bahay.

"Pagmamay-ari na ito ngayon ng mga Watson! Wala na kayong karapatan pang tumira pa rito!" Seryosong sabi ng abogadong kasama nila.

Naiiyak na umiling ako, "Hindi totoo 'yan! Sa mga magulang ko ang bahay na ito! Wala na sila! Ito nalang ang natitira kong ala-ala sa kanila, hindi niyo p'wede 'tong agawin sa akin!" Galit na sigaw pero parang wala silang narinig at diretso-diretsong pumasok sa aming mansion para ilabas at alisin ang mga gamit namin.

Tuluyan akong nanghina at napaupo sa sahig. Pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo. 

Wala pang isang linggo simula nang mamatay si Dad pero sunod-sunod na ang dagok na kinahaharap ko, ni wala na akong oras para magdalamhati sa pagkawala niya. 

Wala na si Dad. Wala na ang kompanya. Noong namatay si Dad, naglaho na parang bula ang stepmother ko at ang anak niyang si Aliyah dala ang lahat ng mga natitirang pera at ari-arian namin, walang naiwan at natira sa akin maliban sa mga utang ni Dad na ngayon ay kailangan kong pagbayaran. At mukhang pati ang tahanang pinaka pinahahalagahan ko ay mawawala na rin. 

"Please, ito na lang ang natitira sa akin..." Umiiyak na pagmamakaawa ko sa lawyer na kaharap ko.

Humugot siya ng malalim na buntong hininga saka umiling. Bakas sa mukha niyang naawa siya para sa akin pero wala siyang magagawa kung hindi ang sumunod sa amo niya, "Pasensya na, Ms. Vera. Inutusan lamang ako." Seryosong sabi niya.

"Sino ang nag-utos sayo?!" Galit na tanong ko.

"Si Mr. Kairon Watson." Maikling sagot niya.

Nanuyo ang lalamunan ko. Kilala ko siya. Siya lang naman ang lalaking kumuha ng kompanya na pinaghirapang itayo ng mga magulang ko. That guy...

Pinunasan ko ang mga luhang patuloy pa ring umaagos sa mga mata ko. Tumayo ako at mabilis na tumakbo patungo sa garahe kung nasaan ang sasakyan ko. 

Pupuntahan ko siya, kailangan ko siyang makausap. 

Hindi ako papayag na pati ang bahay na ito ay mapa sa kaniya. 

Pagkapasok ko ng sasakyan ay mabilis ko itong pinaandar sa pinaka mabilis na takbo nito patungo sa kompanya ng Watson. 

Alam kong nandoon siya dahil siya lang naman ang CEO ng kompanyang 'yon.

Makaraan ang dalawampong minuto ay nakarating ako sa kompanya nila, mabilis akong nagpark ng sasakyan at pumasok sa loob ng building.

Mabilis akong lumapit sa front desk.

"Good morning, Ms. Vera! May appointment po ba kayo kay Mr. Watson?" tanong ng Manager.

Ngumiti ako, "Yes, I need to talk to him. Where's his office?" Pormal na sabi ko. Mukhang baguhan palang ang manager na ito at hindi man lang niya dinouble check kung meron ba talaga akong appointment sa kaniya, basta niya na lang itinuro kung nasaan ang opisina ng boss nila.

Sumakay ako ng elevator patungo sa opisina ni Kairon Watson. At nang marating ko 'yon ay walang katok-katok na binuksan ko ang pintuan at pumasok do'n.

There he is.

Nanlamig ang buong katawan ko nang magtama ang mga mata namin. He's looking at me coldly with hint of amusement.

Napalunok ako, "Ikaw si Kairon Watson, hindi ba?" diretsong tanong ko.

He smirked. 

Sa ngisi niyang iyon ay kinilabutan ako, parang tumindig ang mga balahibo ko sa buong katawan.

"What do you want?" Malamig na tanong niya at inayos ang suot niyang eyeglasses saka muli akong tinititigan. Napalunok ako.

"A-ang bahay namin, hindi mo p'wedeng kuhanin 'yon sa akin." Diretsong sabi ko.

Nanatiling seryoso ang ekspresyon niya, "Ang bahay na 'yon ay pinatalo ng ama mo sa sugal. Wala ka nang karapatan do'n." Malamig niyang sabi.

Umiling ko, "Babayaran ko na lang ang utang ni Dad! Huwag mo lang kunin a akin ang mansion!—" 

Natigilan ako ng marinig ang halakhak niya. Fuck him! Is he insulting me?

"Alam mo ba kung magkano ang utang ng ama mo? Limang bilyon." Seryosong sabi niya.

Tama ba ang narinig ko? 5 Billions? The fuck, Dad! 

"I-I'll p-pay you... J-just give me time.." Nauutal na sabi ko. 

Damn, saan ako kukuha ng gano'n kalaking halagga?! Kahit magtrabaho ako ng sampung taon, hindi ko mababayaran ng buo 'yon!

"Okay, I'll give you 10 months." He coldly said.

"10 months?!" gulat na sigaw ko.

Sa sampung taon nga hindi ko kaya, sampung buwan pa kaya?!

"Why?" Seryosong tanong niya habang walang ekspresyon ang mukha.

Napalunok ako sa sarili kong laway, "H-hindi ko kayang bayaran ka sa gano'n kaikling panahon." Tapat na sabi ko.

He's face change. He looked at me intently na para bang ineexamine niya ang buong pagmumukha ko. 

Ilang sandali bago ulit siya nagsalita.

"I have an offer for you." He coldly said.

"Ano 'yon?" Mabilis na tanong ko.

"I need a surrogate mother to bear my heir. Kung papayag ka, bayad na lahat ng utang ng ama mo." Seryosong sabi niya.

Ano? Surrogate mother? Gosh! Tatanggapin ko ba?

Mas mabuti na siguro ito! 

Siyam na buwan ko lang naman ipagbubuntis 'yon at malaya na ako. Mas madali 'yon kesa ang magtrabaho o mawala sa akin ang mansion na pinakaiingatan ko.

"Sige, pumapayag ako." sabi ko.

Seryosong tumango siya saka kinuha ang isang papeles sa mesa niya at iniabot sa akin.

"Ano 'yan?" Tanong ko.

"This is our contract, sign this." Malamig na sabi niya.

Kumunot ang noo ko, naglakad ako papalapit sa mesa niya at kinuha ang contract paper.

"Kailangan mong mabuntis sa loob ng isang buwan. At simula ngayon sa akin ka na titira hanggang sa manganak ka." Diretsong sabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ko.

"What do you mean sayo ako titira? Wala ka bang asawa?" Takang tanong ko.

"I have a fiancee, she's in Paris. Napag-usapan na namin ito bago siya pumunta sa ibang bansa. Bago siya bumalik, kailangang nakabuo na tayong dalawa para maikasal na kami." Seryosong sabi niya.

"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko.

Bakit hindi nalang sila mag-anak at kailangan pa nila ng surrogate?

"We can't get married without an heir. She can't get pregnant so we need a surrogate mother and that's you." He said coldly.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status