Ashton’s POV"Congrats, bro!" Bati sa kanya ng mga kaibigan nang anyayahan niya ang mga ito sa kanyang bar. Pinasara niya iyon at tanging silang magkakaibigan lang ang naroon. Ngayon lang ulit siya nakabisita rito at gusto niyang solohin ang lugar kasama ang mga kaibigan. Pambawi na rin sa mga anyaya ng mga itong hindi niya nasipot. "Thanks, will hope all of you to attend on Friday." Sabi niya. Nagkanya-kanyang pwesto ang magkakaibigan. Katabi niya magkabila si Landon at Evan. Panay ang ngiti ni Evan nang balingan niya ito, ang atensyon ay nasa cellphone, ka-text siguro ang girlfriend nito. "Hoy, loyal dog!" Sigaw ni Khaled sabay bato ng throw pillow na tumama sa mukha ni Evan, muntik pang mabitawan ang phone nito. "F*ck!" Reaksyon nito, agad sinugod si Khaled kaya naghabulan ang dalawa roon. "T*ng*n* mo, Khaled! I will kill you when I catch you!" Sigaw ni Evan, mas naging agresibo na dahil sa walang pakundangang pang-aasar ni Khaled. Tawang-tawa naman siya, maging ang iba niy
Terakhir Diperbarui : 2025-08-21 Baca selengkapnya