Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Gusto kong sumagot, gusto kong ipamukha sa kan’ya lahat ng sakit na iniwan niya sa akin. Pero sa paraan ng pagkakasabi niya, para bang bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay dumidiretso sa puso ko.I clenched my fists angrily. “My problem?” Napaawang ang labi ko, at saka mapait na napangiti. “Ikaw ang problema ko, Cassiel. Ever since. You’ve always been my fvcking problem.”Bahagya siyang natigilan. Umigting ang kan’yang panga at mas lalong nandilim ang mga mata. Pero hindi siya sumabat. Tila hinihintay niyang tapusin ko ang lahat ng gusto kong ilabas.“Three years, Cassiel. Tatlong taon kitang sinumpa sa isip ko. Tatlong taon akong nagpatuloy kahit parang kalahati ng pagkatao ko ay iniwan mo. At ngayon, bigla ka na lang susulpot, k-in-idnapp mo ako, at sasabihin mo na ginagawa mo ‘to para sa proteksyon ko?” Napailing ako, ramdam na ang nagbabadyang mga luha na pilit kong pinipigilan.“Tell me, Cassiel… sino ba talaga ang niloloko mo? Ako? O ang
Terakhir Diperbarui : 2025-09-06 Baca selengkapnya