Seducing My Trillionaire Kidnapper Ex

Seducing My Trillionaire Kidnapper Ex

last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-08-13
โดย:  NotSoGreatThinkerอัปเดตเมื่อครู่นี้
ภาษา: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 คะแนน. 1 ทบทวน
7บท
26views
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด

แชร์:  

รายงาน
ภาพรวม
แค็ตตาล็อก
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป

Tatlong taon na ang lumipas mula nang iniwan ako ni Cassiel Esquivel—the man who once owned me in every way. A trillionaire tech mogul. Ruthless in business and even more ruthless in love. Akala ko ligtas na ako. Akala ko tapos na ang lahat sa amin. But one day, I woke up in his private jet—kidnapped, disoriented, and furious. “I’m saving your life,” sabi niya, “because you clearly have no idea what kind of danger you’re in.” Pero ano nga ba ang mas delikado? ‘Yong mga taong humahabol sa akin… o ‘yong lalaking minsan ko nang minahal at winasak ang puso ko? Now I’m trapped on a private island with the man who still knows every inch of me. The man I swore I’d never forgive. And maybe... the only man I’ll ever love. Pero para makawala sa kan’yang hawak, wala akong ibang paraan kundi akitin siya… kahit pa ang ibig sabihin nito ay sunugin ang sarili ko sa apoy ng pagnanasa.

ดูเพิ่มเติม

บทที่ 1

Prologue

Tatlong taon na ang lumipas mula nang iniwan ako ni Cassiel Esquivel.

At sa bawat araw na lumipas, pilit kong kinumbinse ang sarili kong tapos na kami. Na ‘yong huling beses na pagkikita namin sa Brooklyn Bridge Park, habang tanaw namin ang Manhattan skyline sa kabilang panig ng ilog at umiiyak akong piniling lumayo, ay siya na ring pagtatapos ng lahat. 

Pero bakit ngayon, paggising ko, wala ako sa sarili kong apartment sa SoHo. Wala ako sa loob ng pamilyar kong k’warto, na may floor-to-ceiling windows at minimalistang disenyo. Wala ako sa gitna ng magulong shoots, fittings, at red carpets na buong akala ko ay sapat nang distractions para hindi ko na siya maisip pa.

No. Nasa isang private jet ako! And I’m not fvking dreaming!

“Ano’ng… ano’ng ginagawa ko rito?” singhal ko at mabilis na tinanggal ang seatbelt habang pinipilit bumangon.

May kalakasan pa ang pag-landing ng eroplano, at sa isang iglap, bumaliktad ang tiyan ko. 

“What the hell is going on?!”

“Calm down.” Isang mababa, kalmado, at matigas na boses ang nagsalita kaya agad akong natigilan.

I knew that voice. Kahit pa tatlong taon na ang lumipas, kahit ilang accent pa ang narinig ko sa bawat pag-travel ko sa buong mundo—walang kapantay ang boses ni Cassiel Esquivel—ang boses ng ex ko!

Bumaling ako sa aking katabing upuan nang dahan-dahan. Tahimik akong nagdadasal na sana ay mali ako at hindi siya makita. Pero siya nga. Sa buong anyo niyang mayaman, makapangyarihan, at walang pakialam.

Sharp suit, unbothered demeanor, and emotionless face. Hindi pa rin pala nagbabago ang g*gong ‘to.

Pero habang pinagmamasdan ko siya, sumikdo ang puso ko sa isang bagay na mas lalong ikinainis ko sa sarili ko.

Amoy ko pa rin ‘yong pabangong ni-recommend ko sa kan’ya dati. ‘Yong Armani na woody scent na may konting bergamot na parang fresh linen. D*mn it. Ginagamit pa rin niya.

At mas lalong nakakainis kasi... it smells home. Amoy kanlungan. Amoy dati.

Hawak nito ang cellphone sa isang kamay at nakapatong ang isang paa sa isang tuhod na para bang hindi niya ko sinabotahe ngayon. He barely looked at me.

“Cassiel!” sigaw ko habang nanginginig. “Are you out of your damn mind?”

“I just saved your life,” kaswal nitong wika.

“What?! You kidnapped me!” I hissed. “Cassiel, what the fuck?!”

“Rescued,” he corrected, na parang wala lang. “Semantics.”

“T*ngina mong—” Hinila ko ang bag ko mula sa kabilang upuan, pero agad niya ‘tong inagaw.

“I just did what had to be done,” sagot niya, hindi man lang ako nilingon. “You’ll thank me eventually.”

“Pvtangina mo!” I spat, galit na galit. “This is illegal. You can’t just—”

“I can. And I did. Now sit down, Zara.”

Ngayon lang niya binigkas ulit ang pangalan ko. Sa paraang para bang hindi niya ako winasak tatlong taon na ang nakalilipas. Na para bang hindi ako ‘yong babaeng halos lumuhod sa kan’ya noon para piliin… pero tinanggihan niya.

At bakit, bakit sa tinatagal nang panahon na nabanggit niya ang pangalan ko ay may init pa ring hatid 'yon sa akin?

Gano’n pa rin ang tunog sa dila niya. Gano’n pa rin ‘yong epekto no’n sa sistema ko.

P*tangina. Ayan ka na naman, puso. Tumigil ka nga!

Napahawak ako sa aking sentido at pilit na pinapakalma ang sarili. Ngunit kahit anong pagpapakalma ko sa sarili ko ay hindi ko magawa. Ang isipin pa lang na nasa iisang lugar kami ni Cassiel ay gusto ko nang sumabog.

Pero may parte rin sa ‘kin na gusto siyang suntukin at sabay yakapin. Gusto ko siyang sigawan at sabay tanungin kung okay siya. Kung kumusta na siya sa tatlong taon na hindi kami nagkita?

Oh, my gosh! Anong klaseng kabaliwan ‘to?

“Cassiel, ibalik mo ‘ko sa New York. Ngayon na!”

“No.”

I froze. “What?”

“No. You’re not going anywhere.”

Tumitig ako sa kan’ya. He finally turned to look at me. His eyes were dark, and his expression was cold.

Cold, but familiar. Dangerous, but... safe? No, Zara. Don't go there. Don't even think about it.

“You were being followed, Zara. Kagabi. Outside your apartment.”

Napalunok ako. “W-What?”

“Someone was tailing you. Armed. You didn’t notice.”

Napatigil ako. Hindi ko alam kung alin ang mas nakakabaliw—ang sinabi niya o ang tono ng pagkakasabi niya. Walang kaemo-emosyon. Parang business briefing lang.

Umiling ako. “You’re lying.” 

“I don’t waste time with lies.”

Inis kong kinunot ang aking noo. “But… how the hell did you know where I live?”

Instead of answering, tumayo siya at tumingin sa bintana. Ang sarap niyang suntukin. Pero imbes na bumigay ako sa galit, pinilit kong kontrolin ang bawat emosyon.

I’m a model. I walk runways with poise. I survived New York. Kaya kong i-handle ‘tong gago na ‘to.

Pero kahit iikot ko ang mga mata ko ng isang libong beses, hindi mawawala ‘yong init sa loob ko. Hindi lang dahil sa galit… kundi dahil sa presence niya. D*mn him for still looking that good in a fvcking suit.

“Cassiel, sagutin mo ‘ko. Paano mo nalaman—?”

“You don’t need to know that.”

“Why the hell do you care?!” singhal ko.

Lumingon siya sa gawi ko at sumalubong sa ‘kin ang matatalas niyang tingin. “Kung may planong pumatay sa ’yo, it becomes my business, Zara.”

Bahagya akong humalakhak nang mapait. “Hindi mo na ako pag-aari, Cassiel.”

“Try telling that to the man who’s already buried two threats this year alone.”

Natuyuan ako ng laway bigla sa narinig.

Ngayon ko lang naalala kung sino talaga si Cassiel Esquivel. Isang CEO ng pinakamalaking tech empire sa U.S., kilala sa pagiging malupit at walang moral compass kapag may tina-target. Hindi siya basta mayaman lang—he’s freaking dangerous.

Pero kahit gano’n, bakit tila mas kampante pa akong kasama siya kesa sa naiisip kong wala siya sa tabi ko?

Hindi, Zara. Delikado ‘to. You left for a reason. Don’t forget that.

Kaya nga ay mabuti na rin at naghiwalay ang landas namin noon kahit halos ikinamatay ko iyon.

And now… I’m trapped with him.

Pagkababa ng jet, doon ko lang nakita ang buong island.

Nakakasilaw ang puting buhangin. Malinaw ang tubig na parang kristal. Ang shoreline ay parang painting. May mga coconut trees, wild orchids, mga modernong bamboo pathways, at open-air pavilions na mukhang resort kung hindi lang puro security ang paligid.

Pero kahit gaano ito kaganda, ramdam ko agad na hindi ito bakasyon. It’s a cage with a scenic view.

“Ano’ng balak mo, Cassiel? Ikulong ako sa paraisong ‘to?” I snapped habang binabaybay namin ang daan papunta sa main villa.

“You’re already here. Might as well enjoy it.”

“Walang tatawa sa’yo. Hindi ito biro!” singhal ko sa kan’ya.

“Hindi nga.”

I groaned in frustration.

Pagkapasok namin sa villa, mas lalong naging malinaw na hindi ito ordinaryong island hideout. May sariling solar energy field, surveillance room, at underwater tunnel exits. Everything was strategic. Lahat ng sulok pinag-isipan.

May staff na agad na kumuha ng mga gamit ko—and to my horror, kompleto iyon! Designer bags. Makeup kits. Even my perfumes. Lahat ng gamit ko sa apartment nandoon! What the hell?

“You had my apartment broken into?!”

“Don’t be dramatic. I bought the building.”

“Excuse me?!”

“Six months ago.”

Napapikit ako nang mariin. “What the hell is wrong with you?”

“Monitoring your safety. Which clearly wasn’t your priority.”

“Hindi mo ‘ko p’wedeng kontrolin, Cassiel!”

“I don’t need your permission, Zara.”

Halos mapasigaw ako sa labis na inis. Pero sa likod ng galit, may mga tanong na paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko. At sa bawat tanong, may kasamang tibok na ayaw kong aminin. Tibok na mas malakas pa sa boses ko.

Bakit? Bakit niya ‘to ginagawa? And why now? Ano’ng pake niya kung meron ngang balak pumatay sa ‘kin?

At mas nakakainis, bakit pakiramdam ko… kahit isang segundo lang… safe ako sa kan’ya?

แสดง
บทถัดไป
ดาวน์โหลด

บทล่าสุด

บทอื่นๆ

ถึงผู้อ่าน

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

ความคิดเห็น

user avatar
FourStars
Sana all may Trillionaire Ex, chos! Up, Miss A!
2025-08-13 18:07:02
0
7
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status