Tandang-tanda ko pa ang mga pangarap naming dalawa ni Jared noong bago pa kami ikasal. Nakaplano na ang lahat. Dalawang anak, araw ng linggo ang family day, at dalawang beses sa isang taon magbabakasyon sa abroad.Pero ngayon lahat iyon ay nawala at naglaho na lang. Pangako na nakapako.“Get out of my room!” malakas kong sigaw sa kanya. Tumayo ako sa kama at itinuro ko ang pintuan. "Lumabas ka, Jared!"Biglang nagbago ang ekspresyon niya. Ang kaninang parang tupa na sinusuyo ako ay napalitan ng pagkainis. “Pwede ba tigilan mo na ‘yang pagiging overreacting mo, Esme? Alam kong galit ka, pero hindi parati ay iintindihin ko yang pagta-tantrums mo sa akin. May hangganan din ang pasensya ko.”“Wala akong pakialam kung ubos na ang pasensya mo! Bingi ka ba? Get out!” Hindi bumaba yung init ng boses ko, mas lalo pang lumakas ang boses ko. "Ano, hindi ka ba lalabas?"Nagbuntong hininga siya at napahilamos sa mukha. "Esme, kasal na tayo. Kung ano man ang nakita mo o nalaman, wala na yun. Hindi
Terakhir Diperbarui : 2025-08-11 Baca selengkapnya