"Pumasok ka na kasi sa loob,kapag ako nasabon humanda ka sa akin," sabi ko dito bago tumalikod ng nakabusangot. "Ok ok babe...maliligo na ako yung kiss ko mamaya," sagot nito na ikinatingin ko. Sinimangutan ko ito na lalong kinatawa niya, may pagka abnormal din minsan ang lalaking ito sa isip isip ko. Nakahinga ako ng makita kong pumasok na siya sa banyo na may pakanta kanta pa. Dali dali akong nagpunta sa pintuan at binuksan ko to. Mala dragong mukha ni Jam na malapit ng magbuga ang nabungaran ko sa labas. "Impakta ka kanina pa ako kumakatok dito. Ano bang ginagawa ninyo ng lalaking yun at hindi mo mabuksan buksan itong pinto," dakdak niya."Kakaligo ko lang ikaw naman," sagot ko. Niluwagan ko ang pinto dahil napansin ko siyang pasilip silio dito sa loob na parang giraffe. Kandahaba ang leeg, gusto lang maki-matites halata namang galit galitan lang ng gaga."Baka gusto mong pumasok na lang sa loob, uso ang magpaalam gaga," ani ko dito. "Ahhheeemm, Siyempre gusto ko lang naman san
Last Updated : 2025-11-10 Read more