Nagising ako kinabukasan na magaan ang aking pakiramdam, hindi na gaya kahapon. I feel refresh napatingin ako sa paligid at nakitang walang tao. Babangon na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan ng banyo at niluwa doon si Nana Sita."Hija saglit lang at alalayan kita. Hindi ka pa pwedeng bumangon bangon ng ganyan at baka mapagalitan ako ni Sir Steve," ani nito."Ikaw pala Nana Sita...Kumusta po kayo," sabi ko na nakangiti."Ok lang naman ako hija...masayang masaya nga ako dahil ako ang inutusan ni Sir Steve na bantayan ka. Simula daw ngayon ako na daw ang mag aalaga sayo," ani nito na ikinakunot ng noo ko."Hindi naman na ako bata Nana at saka wala po akong pampasweldo sa inyo," sagot ko dito."Ok lang yon hija, si Sir na daw ang bahala sa akin," nakangiti nitong sabi."Pero ano po kasi ahhhmmm," magdadahilan pa sana ako ng bigla itong malungkot at sinagot ako ng hindi ko inaasahan."Ayaw mo ba akong magbantay sayo hija...ayoko na sana kasing bumalik pa sa agency na pinanggalingan k
Last Updated : 2025-10-17 Read more