"Nana Sita, pakitulungan po sila Aling Nora at Nana Sedes sa pagluto ng pang gabihan po natin," sabi ko kay Nana Sita. Inakay ko si Aya papasok sa loob kita ko sa kanyang mga mata ang paghanga dito sa bahay. "Senyorito..kumusta po, mabuti na lang at nagawi kayo dito. Sino po yang kasama ninyo? Siya na po ba ang girlfriend ninyo?" Madaldal na sabat ni Nana Sedes sa akin, siniko siya ni Aling Nora pero sige pa rin siya sa pagdakdak."Hello po Ma'am, kumusta po kayo...Masayang masaya kami dahil nagdala si Senyorito ng kanyang girlfriend. Hindi pala totoo ang sinasabi nila," dagdag pa nito."Anong sinasabi Nana Sedes? Chika mo naman sa amin," nakangisi na sabat ni Zayn. Akala ko pumasok na ang abnormal na to, hindi pa pala sa isip isip ko."Sir, ano po kasi...ahhhmmm, marami po kasi kaming naririnig sa paligid na baka daw po hindi siya tunay na lalaki...yun," ani nito na hindi alam kung paano idiscribe ang sinasbi. Tumawa ng malakas si Zayn at Peter."Ulitin mo nga sinabi mo Nana...hindi
Last Updated : 2025-10-26 Read more