Malayo ang pinuntahan namin, mga kabundukan ang mga maikikita mo dito. Malayo sa mga kabahayanan. Hindi nagtagal huminto kami sa isang gate na malaki, pumasok kami doon at nagulat ako ng makita kong maraming mga guard dito na nakahawak ng mga baril. Mukha silang mga body guard, nakasuot sila lahat ng mga itim mula ulo hanggang baba. Nakabutas din sila, pinababa kami at sinabing sundan si ate Marie."Good morning Boss, nasa likod na po sila..." sagot ng isang lumapit sa amin at binati si ate Marie. Boss ang tawag nila sa kanya, no wonder ibang iba ang hitsura nito sa isip isip ko.Marami sana akong gustong sabihin dito at tanungin pero ayaw nilang sagutin baka mamaya niyan mapahiya na naman ako. Last time ng tinanong namin sila nasungitan lang nila kami. Ang katwiran nila kung gusto ninyong matuto sumunod na lang kayo sa amin at huwag ng maraming tanong. Yun ang tumatak sa aking isipan na sinabi nila. Tama naman sila, kumbaga trabaho lang ang ranta nila sa amin. Tinutulungan naman nila
Read more