Hinila ako ng dalawang waitress at waiter na dumating sa aming kinatatayuan. Kita ko naman na parang diring diri ang kasama nitong abnormal na lalaking ito sa amin. Kunyari naman nagpapatulong ako sa kanila pero deep inside bwisit na bwisit ako sa mga lalaking ito. Nang ilabas nila kami ni Jam saka naman ako nakahinga ng maayos. Sinabihan kami ng dalawang nagpalabas sa amin ng sorry."Sorry po lola, hindi naman po naming kagustuhan ito. Naawa po kami sa inyo pero baka po kasi patalsikin kami. Nakakatakot pa man din ang grupo ng lalaking yun," ika ng isang waitress. "Ok lang yun," sagot naman ni Jam. "Ok po kung ganoon. Sige po at babalik na kami sa trabaho," ika naman ng isa. Aalis na sana sila ng biglang bumukas na muli ang pintuan, niluwa non ang babaeng kumuha ng card ko para sa bayad ng kinain namin. Mabuti na lang at binigay sa akin ni Steve ang isang card nito. Sabi niyang gastusin ko daw if ever na may gusto akong bilihin at pamalengke daw namin."Ma'am ma'am, heto na po ang
Leer más