Napakasaya ng pagsasama namin ng gabing yun, siguro kung gugustuhin ko din na sumali sa pangkat nila gusto ko sa grupong ito. They are genuine, kung trabaho trabaho pero kung sa mga ganitong bagay mga kikay din sila. Nakakatuwa silang kasama, napaka masayahin nila. Kinabukasan maaga pa rin nila kaming ginising nila Isay. May bagong papasok daw na dapat itrain at magsisimula sila ngayon kaya pinapaalis na daw kami ng kanilang Boss. Inaantok pa akong nag ayos ng aking tulugan, hindi na kami nakapag paalam ng maayos sa kanila dahil pinaalis na nila kami agad. Pagkasakay ko sa sasakyan nakita ko si Jam at Cheska na nakatulog nang muli. Pumasok na rin ako at inayos ang aking mga dalang damit bago pumunta sa tabi ng dalawa. "Isay ikaw na ang bahala sa aking mga gamit, thanks. Inaantok pa ako as in," ani ko sabay pikit ng muli."Ok no worries...matulog ka na at ako ng bahala," sagot ni Isay. Hindi na ako umimik pang muli hanggang sa dalawin na naman ako ng antok.Ginising lang nila kami n
Read more