Napabuga si Sasha sa kanyang ini-inom ng marinig ang sinabi ko. Napatapik ito sa kanyang dibdib at minasahe yun ng magulat sa sinawalat ko. Nang mahimasmasan siya tumawa ito ng malakas. Hindi daw niya akalain na sa una naming pagkikita yun daw agad ang sasabihin ko."Grabe ka naman beshy yan agad ang pambungad mo sa kanya. Bonding muna naman kayo ah, ura urada si Kuya Alejandro na agad ang sinasabi mo. Sige ka imbes na maging ate mo yan baka lalo pang matakot sayo at sa kuya mo," palatak ni Jam sa akin."Nakapagsalita naman ang gaga, hindi mo ba alam Angel na lagi niyang sinasabi na ang uncle nito bagay na bagay daw kayong dalawa. Perfect daw kayo kaya ikaw daw ang napipisil niyang maging parte ng pamilya nila," pahayag ko din para mahimasmasan naman itong isa."Wow, paano ba yan mga friendship mukhang may mapapangasawa na tayo pagkatapos ng mission natin," ani Sasha."Hahaha...hindi ko alam na may napipisil na pala kayong magiging asawa namin," amuse na sabat ni Angel."Bakit ayaw mo
Read more