Dali dali akong nagbihis, nag suot ako ng whole black. Naglagay din ako ng mga baril sa mga jacket na suot ko at ang mga kakailanganin ko na mabilis lang kunin kapag. Nagtali lang ako ng buhok saka nagsuot ng wig, kinuha ko ang bag na lagi kong dinadadala saka dali daling lumabas na. Hindi ko na ginising ang dalawa kong kaibigan, kami na lang muna para mabilis lang ang lakad. Nang makababa ako nakita ko silang nasa sasakyan na at ako na lang ang hinihintay. Pagkapasok ko nagulat ako ng makita ko si Jam na nasa loob. "Hello best friend, gulat ka ata haha..." ika nito sabay tawa."Nagdahan dahan pa man din ako kaninang nagbibihis at akala ko natutulog pa kayo ni Cheska, nauna naman na kayo dito," kako sa kanya."Ako lang, iniwan ko kayo ni Cheska doon kanina. Akala ko nga di ka na sasama din," Jam said."Mabuti naman at napasama ka," kako dito."Kaylangan best sa mga ganitong sitwasyon kaylangan nating maging aware at maging responsible sa lahat ng bagay," ika nito sa akin."Wow!!! Na
Read more