Tinuloy ko na lang ang paggamot sa mga paa ni Waylen para matapos na ito. Patapos naman na si Cheska yung sa mga binti niya na lang ang hindi pa natatapos. Bakit kasi tiningnan agad ang ari nito, yan tuloy muntik na siyang matuklaw natatawang sabi ko sa aking isipan."Tapos na ako rito kaya pwede na natin siyang palitan," sabi ko sa kanila."Kayo na ni Jam at tapos ko naman na siyang ginamot kanina," naka irap na sabi ni Cheska."Grabe siya...nanerbiyos ka naman agad. Gwapo din naman si Waylen ah, malay mo may spark din kayo..." pang aasar kong pahayag dito."Isa ka pa...baka gusto mong masapak din diyan," sagot nito. Tinaas ko ang aking kamay saka siya sinagot."Grabe siya...sorry...sige na hindi na kita aasarin. Palitan na natin siya para makapag pahinga na rin tayo at ng makalakad na mamaya," saad ko."Tulungan na kita at baka ma nerbiyos na naman itong si Cheska hahaha," pang aasar pa rin ni Jam dito."Sapukin kitang bwisit ka makita mo," ani Cheska na naka ingos kay Jam. Tawang t
اقرأ المزيد