Pagkatapos kong maligo, dumiretso ako sa loob para magpalit at pinatuyo ko rin agad itong buhok ko. Tinali ko ito ng mapatuyo ko siya at humiga sa kama agad. Hindi ko na pinansin pa ang dalawa kong kaibigan basta na lang akong natulog ng tuluyan.Gabi na ng magising ako, ginising pa ako ni Jam at inutusang magluto. Dinakdakan ko siya dahil lantang lanta pa ang aking pakiramdam pero ang gaga kung makautos wagas. Sinabihan ko itong mag saing nalang siya sa rice cooker, marunong naman ito. "Anong iluluto ko binigay natin lahat kila kuya Arnel," pahayag nito."Oo nga pala ano, order ka na lang. Bahala ka na diyan kung anong orderin mo," sabi ko sa kanya."Order na lang ako ng mang inasal or japanese cuisine na lang kaya," pahayag nito."Huwag kang feeling diyan. Huwag sa mahal na naman. Sa chowking na lang yung with rice, I mean yung chao fan with toppings ganon na lang mas mura," pahayag ko."Girl hindi pa ako kumain hanggang kaninang umaga, sabi nito."Excuse me...alas diyes na kaninan
Magbasa pa