Nagtagisan kami ng galing, bawat sipa niya ng malakas papunta sa akin sinasalag ko lahat. Matigas ang kanyang katawan naramdaman ko yun pero hindi ako nagpatinag. Hindi ko hahayaang matalo niya ako, hindi ko hahayaang matalo ako ng mga ito. Anong silbi ng pagtraining ko ng matagal kung sa kanila lamang matatalo ako.Sinuntok niya ako sa mukha, hindi ko yun naagapan kaya muntik na akong mawalan ng balanse. Gumanti rin ako, sinuntok ko rin siya sa mukha kasing lakas ng kanyang ginawa sa akin. Nagpatigasan kami hanggang sa duguan na kaming dalawa. Narinig ko ang sigawan ng aking mga kaibigan pero hindi ako nagpaawat sa kanila. Sila na rin ang bahala sa mga kasama nito kaya na nila ang mga yan. Mahina lang sila hindi gaya ng taong katunggali ko ngayon. Matigas siya as in, halos mahilo hilo na ako pero nagmamatigas pa rin ako.Sa sobrang galit ko kay Steve at sa pamilya nito, nawalan na ako ng pakiramdam. Nagtatagisan kami hanggang sa matumba kaming dalawa. Kinubabawan niya ako at pinagsu
Magbasa pa