MULING nagpakawala ng ngiti ang ginang bago nagsalita, "And of course, you won't be disappointed in my future daughter-in-law. She's elegant, classy, and definitely not just an ordinary woman." Pinagdiinan pa ng ginang ang huling tinuran at habang sinasabi iyon ay nakatitig ito kay Kola na para bang pinapatamaan siya sa bawat salita. "The woman I am referring to, who will become my son's future wife, is none other than Rain Cavlar." Napasinghap ang maraming bisita dahil halos ang naroon ay alam kung sino si Rain Cavlar, ang matagal ng kaibigan ng mga Moretti ay alam ang love story ng dalawa pero walang nakakaalam kung paano iyon nagtapos. Nabalot ng pag aalala ang mukha ni Lalaine at si Arzus ay tahimik na nagtagis ang mga bagang. Si Demus ay nanatiling tahimik at blanko ang ekspresyon, walang pagsang-ayon sa mukha nito pero wala rin namang pagtutol. Parang go with the flow lamang ito. At si Kola? Nanlambot bigla, tila gumuho ang mundo niya. Tila tumigil iyon sa pag hinog.
Read more