MARAHANG naglalakad si Kola sa gilid ng Moretti building, ngayong araw ay medyo na-late siya ng pasok dahil galing pa siya sa hospital kung saan naroon ang ina niya. Kahapon kasi matapos nilang mag-early lunch ni Rain at pauwi na sana siya nang tawagan siya ng kapatid niyang si Tiffany at sinabing sinugod nito ang ina nila sa hospital dahil sa hindi bumababang lagnat at napag-alaman nilang na-dengue ito. Kaya ang ending, kahapon ay hindi siya nakapasok at pinadalhan niya lang ng mensahe si Demus na nagka-emergency siya at hindi makakapasok. "Good morning, Miss ganda." Nginitian at tinanguan ni Kola ang guard na bumati sa kaniya. Sa hindi kalayuan ay natanaw niya si Gail na pasalubong sa daan niya. "Bakit wala ka kahapon?" Usisa nito nang makalapit. May bitbit na maraming folder ito. "Emergency lang, nasa hospital ang mama ko," aniya sa kaibigan. "Hangang ngayon? Kumusta naman siya?" Sinabayan ni Gail ang mga marahang lakad niya pasakay sa elevator. "Oo, pero lalabas n
Last Updated : 2025-10-22 Read more