"C'MON, Kola. Choose me, we're doing this." Napatingin si Kola kay Jax na nakangiti habang nakikiusap ito na siya ang maging partner nito sa nasabing laro. "Forget about that jackass and this moron," wika naman ni Arzus na ang tinutukoy ay si Demus at Jax. Muli nitong hinila ang kamay ng dalaga. Ngunit hinila rin siya ni Jax. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Kola sa dalawang lalaki at hindi alam kung ano ang sasabihin. Narinig na rin niya ang pagtatawanan ng ibang bisita na para bang tuwang-tuwa pa sa nagaganap. Samantalang siya ay nakakaramdam na ng hiya. Dumako ang tingin niya kay Demus at ang tingin niya ay nagpapasaklolo na rito, ang sarap ng upo nito sa harapan niya at hindi niya mabasa kung ano ang ekspresyon ng mukha nito. Hinila niya ang mga kamay sa dalawang lalaki atsaka pinandilatan ng mata ang mga ito. "Ayokong maglaro, humanap na lang kayong iba," wika niya sa dalawa sa mahinang tinig. "Kaya nga naman, narito kami oh, wala kaming partner," sabat ng isang babaeng bi
最終更新日 : 2025-11-24 続きを読む