Simple lang ang suot niya—grey tee, joggers, messy hair na parang bagong gising lang. Pero sa kamay niya, may hawak siyang iced coffee. Pamilyar. Vanilla cold brew. Pati 'yung model sa harap ko, napahanga sa presence ni Thorne. Ramdam ko 'yung kilig sa paligid."Uh..." Thorne scratched the back of his neck. "Wala lang. Alam kong ilang araw ka nang pagod, so... naisip ko baka makatulong 'to."Tahimik ang buong studio. Ang daming matang nakamasid. Halos marinig ko 'yung kilig ng buong makeup team."Salamat," sagot ko, kunwari composed. "Pero hindi mo kailangang gawin 'to."Tumango lang siya. "Alam ko. Gusto ko lang."At iniwan niya 'yung coffee sa tabi ko, ngumiti ng konti, kumaway sa lahat tapos umalis din agad."Ay, grabe," bulong ng isa sa mga models, gigil na gigil. "Siya ba 'yon? Thorne Silva? Infairness ha, ang pogi. Pwede rin siyang mag-model, swear."Hindi ako nagsalita. Pero inamoy ko 'yung coffee. Still my favorite."Hoy, gaga! Ano 'yun?" singit ni Bambi, nakataas pa ang kilay
Last Updated : 2025-10-26 Read more