"Hoy, Liora! Uso pa ba ang pahinga sa'yo?" singit ni Bambi, sabay kunot-noo habang hinahati ang sandwich niya. "'Wag mong sabihing natutulog ka na habang naglalakad, ha?"Napa-roll eyes ako, pero hindi ko na kinontra. Kasi to be honest, hindi naman sila mali."Hindi ka na nga namin masyadong nakikita, baks," dagdag ni Lana habang iniikot ang straw ng milktea niya. "Busy busy ang peg. May bagong friend na kasi, eh.""Sa true," sabat ni Bambi, kunwari nagtatampo habang sinisiksik ako sa upuan. "Pinapansin na kasi siya ni Thorne, eh. Kami, etyapwera na. As in archived friends na lang kami."Napatawa ako, pero ramdam ko rin 'yung bigat sa dibdib. Hindi dahil nagseselos sila kay Thorne, kundi dahil totoo rin naman 'yung sinasabi nila.Lately, parang lahat na lang ng oras ko, limitado. Kung hindi school, may part-time. Kung hindi part-time, may review session ako with the STEM kids. Kung may natirang energy pa well, andun ako sa shoot, pinapaganda ang mukha ni Thorne.Wala na nga ata talaga
Last Updated : 2025-10-28 Read more