“Ang itim na sasakyang 'yan, ay mas mahalaga kaysa sayo Andrea. Wag na wag kang maglalakas loob na hawakan ulit ‘tong kotse.”Matapos sabihin iyon, tinalikuran siya ni Alejandro, isinara ang pinto ng kotse, at dumiretso palayo, ni hindi man lang siya inalalayan.Nanlamig ang paligid.Habang nakaupo siya sa sahig, ramdam ni Andrea ang panghihina, pati na ang kirot sa dibdib na mas matindi pa sa sakit ng pagbagsak. Nang lingunin niya, nakita niya si Alejandro sa may elevator, matikas, malamig, parang estatwang hindi kailanman lumapit.Nanginginig ang mga daliri niyang akmang aabot sana sa lalaki, pero agad niya itong binawi. Sa halip, dahan-dahan siyang tumayo, isang kamay sa tiyan, isa sa sahig para matulungan ang sarili.Ngayon, bumalik siya sa reyalidad ng karera. Huminga siya nang malalim, at sa mahinahong tinig ay sinabi,“Pinag-aralan ko ‘yung kurso... sobrang komplikado. Matagal na rin mula nung huli akong lumaban sa ganitong uri ng Karera...”May halong kaba at determinasyon ang
Huling Na-update : 2025-10-26 Magbasa pa