MasukLabing-walong taon mula nang makabalik si Andrea sa piling ng kanyang tunay na mga magulang. Sa loob ng labing-walong taon na iyon ay wala siyang ibang pinangarap kung hindi ang makabuo ng masayang pamilya. Kaya nang ikinasal siya kay Alejandro at nabiyayaan ng kambal na anak ay pinangako niya sa kanyang sarili na mamahalin at aalagaan niya ito. Kahit na ang kapalit ay ang masakit na katotohanang hindi siya mahal ng kanyang asawa. Para sa mga anak ay handa siyang magtiis, ngunit gumuho nang tuluyan ang mundo ni Andrea nang hilingin ng kanyang anak, sa mismong araw ng kaarawan nito na si Clarisse na ang ituturing nitong ina at hindi siya. Si Clarisse, ang kababata ni Alejandro. Ang babaeng tanging minamahal nito.
Lihat lebih banyakNagmadaling dumating si Andrea Tolentino sa hotel kasama ang kanyang anak na babaeng si Liana. Nagsimula na ang ika-walong kaarawan ng kanyang anak na lalaking si Liam- ang kapatid nitong kambal.
Kasama naman nang anak niyang lalaki si Alejandro ang kanilang Ama, at sa ilalim ng mainit na liwanag ng mga kandila, maamo at masaya ang mukha ng bata habang nakatitig sa birthday cake.
Pinikit ni Liam ang kanyang mga mata, mahigpit na pinagdikit ang mga palad, at taimtim na bumigkas ng kahilingan: "Sana si Tita Clarisse na ang maging bago kong mommy."
Nanginig si Andrea habang bumubuhos ang malakas na ulan sa labas. Para hindi mabasa ang kanyang anak na babae at ang birthday cake, sinangga niya ang sarili sa ulan kaya’t nabasa ang kalahati ng kanyang katawan.
Basang-basa ang kanyang damit, na para bang nag yelong tela na kumakapit sa buong katawan niya.
Tumawa nang malakas si Clarisse. "Ilang beses ko na bang sinabi sa’yo, Tita nalang ang itawag mo sa’kin! Magkaibigan kami ng daddy mo, parang magkapatid! Kaya kung tutuusin, pangalawang ate mo lang ako!”
Umalingawngaw ang kanyang tawa sa loob ng silid. Pawang mga matatalik niyang kaibigan ang naroon, at nakitawa rin sila. Pero si Clarisse lang ang naglalakas-loob na biruin si Alejandro sa harap ng maraming tao.
Kumurap-kurap ang batang si Liam, gamit ang kanyang maliwanag na mga mata at binigyan si Clarisse ng isang pambobolang ngiti.
Hinimas ni Clarisse ang pisngi ni Liam at nagtanong, "Bakit bigla na lang gustong magkaroon ni Liam ng bagong mommy?"
Mabilis na sumulyap si Liam kay Alejandro. "Kasi gusto ni Daddy si Tita Clarisse!”
Natuwa si Clarisse. Binuhat niya ang bata at pinaupo sa kanyang kandungan, saka iniakbay ang isang braso sa balikat ni Alejandro.
Tinaas niya ang kilay at mayabang na sabi, “Matalas ang mata ni Liam.”
Kumunot ang noo ni Alejandro at tumingin sa mga tao sa paligid. “Bata lang ‘yan, walang malisya ang mga sinasabi,” paliwanag niya.
Pinaki-usap pa niya sa mga taong naroon na huwag seryosohin ang sinabi ng bata. Pero alam ng lahat hindi nagsisinungaling ang mga bata.
At higit sa lahat, alam ng lahat na sina Alejandro at Clarisse ay matagal nang magkababata.
Matagal nang nakikisama si Clarisse sa mundo ng mga lalaki, kaya hindi siya gusto ng dalawang nakatatanda sa pamilya Tolentino.
Samantala, si Andrea ay natagpuan ng pamilya Samonte sa edad na labing-walo. Buong pagmamahal at pag-asa ang ibinuhos sa kanya ng pamilya, kaya’t pinakasalan niya si Alejandro at nagkaanak sila.
Maingay ang mga tao sa loob ng silid, nagtatawanan at nang-aasar: “Kanino ka mas bagay, kay Mommy o kay tita Clarisse?”
“Kay tita Clarisse! Si Mommy, promdi lang!" agad na sagot ng bata.
Saglit na kumislap ang halos di-mapansing mapanuyang ngiti sa mga mata ni Clarisse. Mahigpit niyang niyakap si Liam at hinalikan ito sa noo.
Nang marinig ang sinabi ng anak niya parang nagyelo ang dugo ni Andrea.
Simula pagkabata, hindi mahilig si Liam sa pisikal na paglalambing. Tuwing niyayakap niya ito, umiiwas ito at lumalayo. Manang-mana siya sa kanyang ama, tahimik, malamig, at mahirap lapitan.
Pero ngayon, nakaupo si Liam sa kandungan ni Clarisse, nakangiti ito nang buong lambing habang nakatingin dito.
At ang tingin ni Alejandro kay Clarisse ay may lambing, may init, isang uri ng pagtinging kailanma’y hindi naranasan ni Andrea.
Mas nagmukha pang sila ang tunay na pamilya.
“Mommy.” Boses ng anak niyang babae ang bumalikwas sa kanya pabalik sa katinuan.
Yumuko si Andrea at tiningnan ang kanyang anak. Malabo ang kanyang paningin, pinipigil ang mga luhang gustong pumatak.
Mahina at nanginginig ang kanyang tinig. “Ah, eh, ano naman ang munting kahilingan ni Liana sa kanyang kaarawan?”
Mahigpit ang yakap ng bata sa kanya. “Ang gusto lang ni Liana… si Mommy.”
Sandaling natahimik si Andrea. Pilit siyang ngumiti, kahit may hapdi sa dibdib. “Eh… si Daddy? Si Liam?”
Sandaling natahimik ang batang babae, bago dahan-dahang sumagot, “Ayoko na silang kasama... Basta si Mommy lang ang gusto ko.”
At sa mga salitang iyon, mas lalong bumigat ang puso ni Andrea, dahil alam niyang kahit gaano siya kamahal ng isa niyang anak, unti-unti naman siyang nawawala sa mata ng isa pa.
Mainit na luha ang tumulo sa likod ng kamay ni Liana, at agad siyang nataranta.
“Mommy, huwag ka nang umiyak. Sasabihin ko kay Liam na huwag na siyang dumikit kay Tita palagi.”
Kambal sina Liana at Liam. Matindi ang pagdurugo ni Andrea nang isilang niya ang dalawa. Halos mawalan siya ng malay sa silid-paanakan habang pilit niyang tinatawagan si Alejandro.
Ngunit nang tawagan niya ito, si Clarisse ang sumagot sa telepono.
“Si Alejandro ba? Bumili lang ng popcorn. Sasamahan niya akong manood ng fireworks sa Disneyland. Ikaw, magpahinga ka na lang diyan at iluwal mo na ‘yang mga bata!”
Kasabay ng pagsambit ni Clarisse, parang sabay ding sumabog ang mga paputok sa pandinig ni Andrea, hindi sa langit, kundi sa puso niya.
Mula noong araw na ‘yon, tuluyan nang nagkalamat ang puso niya. Wasak na wasak.
Hawak ni Andrea ang kamay ni Liana habang dahan-dahang binuksan ang pinto ng silid.
Biglang natahimik ang lahat.
“Bakit andito si Mrs. Tolentino?” tanong nang naroon.
Ito ang kaarawan ng kanyang mga anak, ngunit sa halip na kasiyahan, pagkagulat ang bumungad sa kanyang pagdating.
Para bang... wala siyang lugar sa mismong selebrasyon ng kanyang sariling mga anak.
Para bang... hindi na siya dapat naroon.
“Kung gusto mo ng laboratoryo, maibibigay ko sa’yo ang kahit anong laki ng research team!”Isang opisyal na nakakita ng kasiglahan ang nagsabi, “Mas mabilis ang manguna sa sariling team kaysa magtrabaho sa ilalim ni Academician Tolentino. Miss Andrea, ang hinaharap mo ay maliwanag, ang karangalan na makakamtan mo ay para sa’yo lamang, hindi ba’t mas mainam iyon?”Si Ayan Saberon naman ay nagbigay ng ilang pahiwatig kay Rey John, nais niyang hilingin na magsalita ito at tumulong na magsabi ng ilang salita.Noong una, plano niyang ipagkatiwala kay Mr. Danilo Suarez ang papel na maging tagapagsulong ni Andrea at hikayatin itong bumalik sa Unibersidad ng Valencia.Naniniwala si Ayan na sa kakayahan ni Andrea siya ay magiging kilalang mukha ng Unibersidad ng Valencia.Ngunit si Danilo ay sobrang mayabang at hindi matakaw sa sarili, kaya hindi niya maipalaganap ang ideolohiya kay Andrea.Umupo si Rey John sa tabi ni Andrea. Ang mukha niya ay parang jade, nakangiti, at matagal niyang pinagma
Hindi na siya muling magpapalulong sa pag-ibig at pagnanasa. Noong kabataan niya, napadala siya sa bugso ng damdamin nalulong kay Andrea, at nang subukan niyang kumawala, parang pinupunit ang laman niya sa sakit.Hindi na niya hahawakan ang babaeng iyon kailanman.Ano ba ang pinagkaiba niyon sa lason?Sa ikalawang palapag, sa isang marangya at maluwang na silid-pulong:Binati ni Andrea ang bawat higante ng akademya at mataas na opisyal na naroon.Pagkaupo niya, agad na nag-unahan ang ilang bigating personalidad na ihain sa kanya ang kani-kanilang alok.Tumingin si Andrea kay Mr. Randy, bahagyang kumurba ang mahahaba niyang pilik-mata, at kumislap-kislap ito ng bahagya.“Ang pangarap ko ay makapasok sa Kompanyang Lakan,” mariin niyang wika.Sandaling natigilan ang lahat. Kita sa mukha ng bawat naroon na malinaw na malinaw ang direksiyon ni Andrea.Ngunit ang unang hakbang pa lang niya… ang hinamon na agad ay ang pinakamalaking BOSS sa silid.Lubhang interesado rin ang ilang akademikong
Pagpasok ni Andrea sa loob, agad niyang napansin si Randy nakaupo sa pinakaunang upuan ng conference hall, tila isang obra sa gitna ng katahimikan.Maganda, elegante, at malamig na parang jade na may sariling liwanag.Bahagyang iniangat ng natanda ang mga mata. Isang mabilis, halos di-sinasadyang tingin lang iyon ngunit sapat para iparamdam na kanina pa niya hinihintay ang pagdating ni Andrea.Samantala, sa unang palapag ng banquet hall, nagkakagulo ang ilan sa mga shareholders ng Tolentino family.Nakapaligid sila kay Alejandro, halos sabay-sabay ang tanong:“Anong nangyayari?”“Bakit may mga big boss na bumaba mula sa second floor?”“May relasyon ba ‘yan sa babaeng tinatawag nilang Miss Samonte?”Si Alejandro, bagaman pinipilit manatiling kalmado, ay halatang nababahala.Ang panga niya ay mahigpit, at ang titig niya ay nakatutok sa direksyong dinaanan ni Andrea na parang gusto niya ring sumunod pero hindi makagalaw.Sa sandaling iyon, ramdam ng lahat na may malaking bagay na naganap
Namula ang mukha ni Ginang Fellis, at ang mga bisitang nakatayo sa gilid ay napapangisi.Nakita nilang lahat kung paano pinahiya ng matanda si Andrea kanina.Hindi malaman kung sinasadya ba o hindi ni Chairman Julio na ipagserbe ng alak si Andrea ng matanda.Kinindatan ni Ginang Fellis ang waiter, umaasa na maiintindihan siya nito at kusang lalapit para kunin ang tray mula sa kanya.Sa isip niya, siya talaga magseserbi kay Andrea? Kailanman ay hindi!Sa sobrang pagkapahiya ng matanda, biglang umabot si Alejandro at kumuha ng dalawang baso mula sa tray na dala nito.Inilahad niya ang isang baso kay Andrea."Still, mommy mo pa rin ang aking ina, sa ganitong okasyon, dapat marunong kang umasta para hindi tayo pagtawanan." anito.Personal niyang inabutan ng alak si Andrea, ngunit nanatili ang kanyang pagmamataas. Ito ang unang beses na dumalo siya sa isang marangyang handaan, at hindi nasiyahan si Alejandro sa kanyang ipinakita.Tiningnan ni Andrea ang lalaki, nakangiti ang kanyang mukha,


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan