Chapter 12 Malamig ang gabi sa mansyon. Tahimik ang paligid, pero sa loob ko, parang may unos na hindi ko mapigilan. Nasa study room ako, nakaupo sa harap ng malaking mesa, hawak-hawak ang envelope na ini-abot sa akin ni Cassandra. Kanina ko pa iyon tinititigan, parang may sariling bigat na pilit humihigpit sa dibdib ko.Hindi ko pa rin binubuksan. Ayaw ko. Takot akong malaman kung ano ba talaga ang laman nito. Pero habang tumatagal, mas lalo akong kinakain ng tanong.“Kung wala siyang tinatago… bakit ganoon?” bulong ko sa sarili.Sa isip ko, bumabalik ang mga huling eksena namin ni Adrian. Tuwing nababanggit ang Paris, palagi siyang nagiging matigas, parang may gustong itago. Hindi siya kagaya ng ibang lalaki na magsasalita ng malumanay para magpaliwanag. Si Adrian, lagi niyang ginagawang kontrolado ang sitwasyon. Hanggang ngayon pakiramdam ko, hindi pa rin asawa ang turing niya sa akin. Isa pa ring estranghero ang kaharap ko.Ilang beses ko nang pinilit na huwag magduda. Pinaglalab
Last Updated : 2025-09-02 Read more