Nag-loading ang brain circuit ni Yelena matapos manuot sa pandinig niya ang boses ni Argus at sa kaniyang ilong ang bango ng cologne na gamit ng lalaki. Tuwing naaamoy niya ang halimuyak ng agarwood, tila tinatangay siya pabalik sa kaniyang kabataan. Paborito niya noon ang amoy na iyon, dahil alam niyang nasa paligid lamang si Argus."My meeting is done, shall we go?" tanong ng lalaki.Napakurap siya, habang si Rolly ay tumatawa."Siguradong kinansela niya ang meeting, Doc Yena," tudyo ng bodyguard."Pwede ko namang ilista na lang ang size mo at ibigay ko sa cutour." Iniiwasan ni Yelena ang matiim na titig ni Argus."Really? Do you know my height and weight?"Uminit ang mga pisngi niya. Masyado ba siyang feeling close ngayon? Matagal silang walang interaksiyon ni Argus. Marami na siyang hindi alam tungkol sa lalaki, maging sa pisikal nitong sukat."6 feet?""No.""Come on, the clothes still have to be tried, just by reporting the height and weight, the size might not fit accurately."O
Huling Na-update : 2025-11-13 Magbasa pa