Makulimlim ang mukha nina Mercy at Glo nang pumanhik sa bulwagan ng manor matapos sunduin ng ambulansiya si Madam Eleanor kasama si Yelena. Kampanteng naupo sa couch si Argus at itinuro sa dalawang babae ang ibayong sofa na mahaba. "Malaki ang mawawala sa atin kung sisirain mo ang project sa district 7, 100 billion ang nakataya roon, Argus." Nagsalita si Tita Glo."Oh, my apology, I haven't calculated the damage yet. Hayaan n'yo, titiyakin kong aabot ng 100 billion ang pinsala. Pero hindi pa ako tapos, baka sumobra pa."Nabilaukan ang mgakapatid. Sa mahabang panahon, nagpakasasa ang mga ito sa pabor ng matriarch. Kung ano ang sinasabi iyon ang pinakikinggan. Madali lang gumawa ng kalabalbalan dahil nakasandal sa ninuno nila. "It is interesting to see members of this family waltz in hell with me, right, ladies? By the way, bombs are everywhere in the building. Regular na ang explosion doon hanggang sa magsawa ako. But when it is all over, you can call out the workers to rebuild what
Last Updated : 2025-10-31 Read more