"Doc Yena, patawarin mo ako sa sinabi ko tungkol sa iyo. Wala akong ideya na ganoon pala kasinungaling si Nova. Her words mislead us into thinking that you are-""It's fine," Yelena cut off the nurse. Sinuyod niya ng tingin ang iba pang orderlies, nurses at maging ang guards na nakaantabay roon.Bumaling ang mga ito kay Nova na nagtangkang umalis. Nothing has change on her. Laging tinatakasan ang kasalanan. Ayaw harapin ang kahihiyan at gulong ito mismo ang may pakana."Ang mga kabit talaga sa panahon ngayon sobrang kakapal ng mukha. Sila pa ang may tapang na umastang asawa sa harap ng public. Ang iitim ng budhi.""Ano, Nova, hindi ka man lang ba magso-sorry kay Doc Yena?""Guys, that's enough, balik na sa trabaho," awat ni Yelena. Alam naman kasi niyang imposibleng mag-sorry sa kaniya si Nova. Baka siya pa ang mapasama lalo at tiyak magsusumbong ito kay Morgan. Sa pagitan nilang dalawa, ito ang paniniwalaan ng lalaki."Sabi ko naman kasi sa inyo, legit si Doc Yena. Kita n'yo pati sa
Huling Na-update : 2025-10-19 Magbasa pa