Pagkaalis ni Mark ay hinatak ni Yelena si Yaale patungo sa loob ng kusina. Matindi ang kaba at excitement niya para sa kaibigan pero nalilito rin siya kung paano nangyaring may ganoon na intimacy na pala ang kaibigan niya at si Mark nang hindi man lang niya alam."Seryoso ba talaga iyon?" atat niyang tanong.Tumango si Yaale. "Sorry, di ko na lang sinabi sa iyo dahil akala ko pinagti-tripan lang ako ni Mark. Isa pa, kaibigan siya ni Argus at alam kong gusto mong umiwas sa grupo nila.""Kailan pa siya nanligaw sa iyo?" Para siyang teenager na kinikilig."Mga isang taon na rin. Hindi ko nga siya seneryoso. Tini-test ko lang siya kanina sa marriage proposal. Hindi ko akalaing papayag siya."Niyakap ni Yelena ang kaibigan. "Mabuting lalaki si Mark. Bigyan mo siya ng chance.""Kahit naman subukan kong makalusot, hindi ko na iyon magagawa pa. Oo nga pala, bakit maghahakot ka ng gamit mo patungo roon sa kabilang bahay? Nakita ko 'yong maleta mo, naka-ready kaya tinanong ko kanina si Rolly, sa
Last Updated : 2025-12-01 Read more