Pero kinaumagahan, nagising siya na sobrang sakit ng kaniyang ulo at parang mabibiyak. At hindi lang ‘yon, nahihilo rin siya at sinisipon. Mukhang nilagnat siya sa pagpapaulan niya kagabi. Mabilis siyang nagsuot ng jacket at pumara ng taxi sa labas papuntang ospital. Kaagad naman siyang inasikaso ng mga nurse at nilagyan ng dextrose. Kinuha niya ang cellphone para sana itext si Flora pero baka mag-aalala lang ito kaya mas pinili niyang ipikit ang mata at huwag na lang.Mayamaya’y napatingin siya sa paligid… lahat sa mga pasyente, may bantay—may pamilya, may kaibigan. Samantalang siya? Mag-isa lang.Napakagat siya ng pang-ibabang labi at lihim na napabuntong-hininga. Gustuhin man niyang ‘wag sakupin ng lungkot pero—hayop! Kinakain siya ng lungkot ngayon. Ganito ata talaga kapag may sakit ‘yong tao.Pansin din niya ang mabagal na paglipas ng mga oras at kahit gustuhin niyang matulog... Parang may sariling utak ang mga mata niya. Ayaw ng mga ito ng umidlip man lang. Hanggang sa may nah
Last Updated : 2025-09-12 Read more