Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir

Forced to Wed the Dangerous Trillionaire Heir

last updateLast Updated : 2025-08-26
By:  Li AshrienneUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
4views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Pinilit si Mariette ng kaniyang ama sa isang kasunduang kasal. Kagagaling lamang niya sa isang dalawang-taóng relasyon, at hindi pa man siya nakahinga mula sa sugat na iniwan ng nakaraan… isinabak na siya nito sa isang bagong kasunduan. Kapalit ay yaman at kapangyarihan mula sa pinakamayamang pamilya: ang mga Masterson. At ang mapapangasawa? Si Gideon Amir Masterson, ang lalaking sinasabi ng lahat na naghihingalo, at may tatlong buwang taning ang buhay. Sa kagustuhang makatakas sa anino ng kaniyang ama, mabilis siyang pumirma ng kontrata. Kasal na sila kahit hindi pa niya nakikita ang mukha ng binata. Pero may mali. Dahil sa halip na isang bangkay ang makikita niya, ang humarap kay Mariette ay isang lalaking buhay na buhay. Gwapo, makapangyarihan, at mapanganib. At higit sa lahat, tila alam nito ang bawat galaw niya. “Alam mo ba ang kasabihang ‘die for money’?” malamig na wika nito. “Sinumang babaeng papasok sa buhay ko ngayon, iisa lang ang habol… pera.” Napakagat-labi si Mariette. Oo, alam niya at kailangan din niya ng pera. Kaya tuluyan niyang nilaro ang apoy. “Mahal na kita noon pa,” pagsisinungaling niya. Ngunit isang mapanuyang ngiti lang ang sagot nito sabay tapon sa mesa ang marriage certificate nila. “Divorce me.”

View More

Chapter 1

1 - Shortcut to Yaman!

Kumikislap ang mga mata ni Mariette habang bitbit ang kaniyang maleta papunta sa apartment ni Jude. Dalawang taon silang nagkalayo bilang magkasintahan, at sa wakas… makikita na rin niya muli ang lalaki. 

Kahit ramdam niya ang matinding init ng panahon, wala siyang pakialam. Mas nangingibabaw ang pananabik niya na muling mayakap si Jude.

Nakangiti pa siya na parang tanga nang i-dial ang code ng apartment nito.

Click.

At doon tuluyang nabura ang ngiti niya. Dalawang katawan agad ang bumungad kay Mariette—magkayakap, hubo’t hubad, at abala sa pagpapasasa sa isa’t isa.

Para siyang binagsakan ng langit sa sandaling iyon. Nanlamig ang kaniyang katawan, tila tumigil ang mundo.

Mga hayop!

Gusto sana niyang sugurin at pagsasampalin ang mga ito, pero pinili niyang maging malumanay. Imbes na magwala, kinuha niya ang cellphone at pinindot ang record.

Nang gumalaw ang dalawa, saka lang napansin ng mga ‘to ang presensya niya. Napasigaw ang babae nang malakas.

Biglang napalingon si Jude, nanlaki ang mga mata at nagmamadaling kumuha ng kumot para ibalot sa sarili.

“Mariette! Putangina! Ano’ng ginagawa mo rito?”

Nangilid ang luha sa mga mata niya, ngunit hindi siya nagpakita ng kahinaan sa harap ni Jude.

“Ano pa ba sa tingin mo? Ang gandang eksena nito, sayang kung hindi ko ipagkalat sa mundo…Post ko kaya sa F******k ko?”

“Ulol ka ba?!” Tumalon ito mula sa sofa at sinubukang agawin ang cellphone niya.

Ngumisi siya. “Sige, subukan mo Jude! Isang hakbang pa, at i-sesend ko ito sa group chat. Tingnan natin.”

Napahinto ito, hindi makapaniwala.

“Mariette, pag-usapan muna natin ‘to—”

“Pag-usapan? Sige.” At pinindot niya ang screen. Sent.

Sunod-sunod na notification ang sumabog mula sa cellphone niya.

“Puta! Burahin mo ‘yan, Mariette! Gago ka ba?! Masisira ang imahe ko dahil sa’yo!”

Akmang sasakmalin siya ni Jude, habang ang babae nito ay parang asong ulol na nagtatago sa likuran. Ngunit itinaas ni Mariette ang cellphone niya.

“Subukan mong saktan ako, at tatawag ako ng pulis,” banta niya.

Nagtagis ang bagang ni Jude sa narinig. “Papatayin kita.”

“Sige, patayin mo.” Tinapunan niya ito ng malamig na tingin. “Dalawang taon kitang itinuring na mas mahalaga pa sa aso. Pero hindi pala. Mas mababa ka pa sa hayop. Pwe!”

Saka siya mabilis na tumakbo, papalayo sa lugar na iyon.

***

LIMANG araw nagkulong si Mariette sa bahay ng kaibigan niyang si Flora. Limang araw na walang ginawa si Flora kundi murahin si Jude hanggang sa halos mawalan na ng boses.

Pagsapit ng ikaanim na umaga, nadatnan ni Flora si Mariette na nakatulala at nakatitig lang sa cellphone.

Umakbay ito sa kanya. “Wag kang malungkot, Mariette. Buti nga at nahuli mo agad kung anong klaseng basura siya.”

Napangiti si Mariette nang mapait. “Ang haba naman ng buhok ng lalaking iyon kung siya pa ang iniisip ko. Iba ’to, girl. Pinipilit pa rin ako ni Papa sa arranged marriage na gusto niya. Hindi ko na alam tuloy kung anong gagawin ko.”

Napakunot ang noo ni Flora. “Marriage? Anong marriage ‘yan?”

Kaya ikinuwento ni Mariette ang lahat. Tungkol sa lalaking sinasabi ng kaniyang ama na nagmula sa isang makapangyarihang pamilya, nag-iisang anak, matangkad, gwapo. Kapalit ng kasunduan, milyon-milyon ang nakataya: ten digits ang betrothal gift, at kung mabubuntis siya sa loob ng dalawang buwan, may limangdaang milyong piso pang dagdag.

Napaismid si Flora. “Let me guess, idea ng stepmom mo ‘to, no? Kung totoo ngang ginto ‘yan, bakit hindi niya isalang ang sarili niyang anak? Amoy scam, girl.”

Napatingin si Mariette sa kaibigan. “Ibig mong sabihin… may alam ka?”

“Of course!” Halos mapataas ang kilay ni Flora. “Swabe lahat ng qualifications ng lalaking ‘yan. Gideon Amir Masterson ang pangalan. Gwapo, mayaman, makapangyarihan. Dati, halos magpatayan ang mga babae para lang mapansin siya. Kahit isang gabi lang, okay na sa kanila.”

“Gideon Amir…” mahina ang bulong ni Mariette. “Parang pamilyar ang pangalan niya.”

Natawa si Flora. “Halos lahat ng tao sa Pilipinas, kilala siya! Ano ka ba, babae ka. Last year pa kumalat na may malubha siyang sakit. Terminal daw. Hindi na tatagal. May girlfriend pa siya noon, pero iniwan siya nang malaman kukunin na siya ni Lord. Lumipad abroad at never nang bumalik. Kawawa, ‘di ba?”

Hindi siya umimik. Pinakinggan lang niya ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Flora, na tila ba walking G****e.

“At kung tutuusin…” dagdag pa nito, “ang pakikipag-asawa sa isang taong naghihingalo… para ka na ring nagpakasal sa bangkay.”

Napalunok si Mariette habang pinoproseso ang lahat ng sinabi. Totoo rin ang punto ni Flora.

“Kita mo na,” giit ng kaibigan. “Gusto ka lang gawing mayamang biyuda ng stepmother mo. Para kang gamit na ipinapasa-pasa. Isipin mo, may sakit na nga, naghihingalo pa! Sino nakakaalam kung anong hitsura niya ngayon? Tapos biglang naghahanap ng asawa? Alam mo ibig sabihin no’n… gusto niya ng tagapagmana bago siya mamatay. Anak. Gusto niya ng anak. At sa ganyang stage…” ngumuso si Flora, “…mga lalaking ganyan, mga manyak.”

Napabuntong-hininga si Mariette. “Pero… ang laki ng alok.”

Napatulala si Flora. “Diyos na mahabagin, Mariette!”

Ngumisi siya. “At kapag namatay siya, mapupunta na sa akin ang lahat. Magkakapera ako. Ayaw mo ‘yon? Magkakaroon ka ng kaibigang super yaman.”

Tinitigan siya ni Flora na parang hindi makapaniwala. “Ano’ng nangyayari sa’yo? Nasisiraan ka na ba ng bait?”

“Hindi. Pinag-isipan ko na ‘to.” Bumigat ang tinig ni Mariette. “Ang pag-ibig? Para lang siyang multo. Pinag-uusapan ng lahat, pero wala namang totoong nakakakita. Bakit ko pa hahayaang masayang ang buhay ko kaka-habol sa isang bagay na hindi naman totoo? Sa huli, lahat tayo nagtatrabaho hanggang maubos, para lang sa pera at kalayaan. Ngayon, may shortcut sa harap ko. Bakit ko pa palalampasin?”

Napairap si Flora. “Ewan ko sa’yo, babae ka.”

Ngunit lalo pang lumapad ang ngiti ni Mariette. At kahit nakangiti, halata sa mga mata niya ang pagod at desperasyon.

“Dahil ‘yan ang realidad, Flora.”

***

NANG gabing iyon, hindi tumigil si Jude sa pagtawag. Sunod-sunod ang ring mula sa iba’t ibang numero. Puro mura at insulto ang inabot niya, na maganda nga siya pero walang kwenta, na siya raw ang may kasalanan kaya nagloko si Jude.

Binlock niya ang lahat ng numero.

Kinabukasan, bumaha ang cellphone niya ng mga mensahe. Puro panlalait, puro paninira. At sa huli, siya pa ang pinalabas na unang nagloko.

Ulol.

Kung may online sampal lang, matagal na niyang pinagsasampal ang gagong iyon. Ngunit imbes na sagutin pa, huminga siya nang malalim at pinigilan ang nag-uumapaw na galit.

At doon, tinawagan niya ang kaniyang ama.

“Pumapayag na ako sa gusto niyo.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status