Amara's POV Nagpaalam na sa akin si Adrian na kailangan na niyang bumaba para papasok sa opisina. Tawagan ko lang daw siya kung may kailangan ako. Hanggang ngayon napa isip parin ako kung bakit bigla na siyang bumait at naging malambing sa akin. Agad akong napaayos ng upo nang biglang sumilip sa pintuan si aling Nora. "Ineng, nandito na si, doktora Aviana." Napatayo agad ako nang may pumasok na magandang babae at nakasuot ng doctor's uniform. " Hi, Amara,right?" Mabilis akong tumango at ngumiti. " Hello po, doktora Aviana..." " Come on, don't be so too formal, Amara. I'm Adrian's cousin. Grabe di ako makapaniwala na may paki alam din pala ang taong 'yon. " Blanko...hindi ko naman maintindihan ang sinabi niyang hindi niya akalain na may pakialam si Adrian. Umiling siya at ngumiti." Pinagalitan ko nga iyon dahil hindi siya naging gentleman sa'yo. Kaya hayun, parang baliw sa pag-alala sa'yo kagabi." Mabuti nalang lumabas agad si aling Nora kung hindi, mangangamatis na
Read more