Amara's POV HINAWAKAN ko ulit ang kamay ni Adrian, mas mahigpit ngayong nakaramdam ako ng kakaibang kirot sa dibdib ko. “ Dad, si Adrian po… boyfriend ko,” masayang sabi ko, medyo nahihiya pa rin. “Magandang araw po, sir…” yumukod si Adrian; nakipagkamay kay Daddy. “Ikinagalak ko po kayong makilala.” Ngumiti si Daddy, tahimik ngunit punô ng init ang tingin sa amin. “Kumusta ka na, iho? Salamat dahil inaalagaan mo ang aking nag-iisang prinsesa habang nandito ako sa hospital.” “Pangako po, sir… lagi ko pong aaalagaan ang anak po ninyo,” sagot ni Adrian, may kasamang magalang na ngiti. Inakbayan niya ako, sabay kaming humarap kay Daddy. Nakatingin lang siya sa amin, ngunit ramdam ko ang pride at pagmamahal sa bawat titig niya. Habang kasama ko si Adrian sa pag-aayos ng bills ni Daddy, napansin kong napatingin sa amin ang ibang mga tao. Ang ilang nurse, lalo na ang mga babae, tila hindi mapigilang ngumiti sa boyfriend ko. Para bang may liwanag siya na kusang umiikot sa kanya
Read more