Amara's POV Tahimik lamang kami ni Adrian sa loob ng kanyang sasakyan. Habang seryoso lang din siyang nagmamaneho. Kanina na papunta kami ng mansyon maganda pa ang awra ng mga mukha namin. Nakuha pa namin sabayan ang tugtog niya na biniro pa nga niya ako dahil sa boses ko. Pero ngayon wala na ngang tugtog, naging tahimik pa kami sa loob. " I'm sorry..." mahinang bulalas niya, na may lungkot sa boses. " Para saan? " " You know what I mean, babe." " Hindi ko nga alam kung bakit humingi ka ng sorry wala ka naman kasalanan." Malalim itong bumuntong-hininga." I'm sorry to disappoint you. Kung naging malamig ang pakikitungo ni mommy sa'yo." " Hindi lang mommy mo ang ayaw sa akin, Adrian. Lahat ng nandoon sa mansyon maliban kay, Lola Emelia." " Magugustuhan ka din nila, babe." Tumawa ako ng mapakla," Anong gagawin mo kung hindi nila ako magustuhan? Dahil ayaw ko naman ipilit ang sarili ko kung ayaw nila sa akin," matapang ko na sabi, pero nasasaktan ako sa loob ko. Si
Read more