Yazmin NILAPAG ko sa lamesa ang nilutong camote roll at kinuha naman ang pitsel ng juice kasama ang mga baso. Sinalinan ko sila habang natutuwang pinapakita ni Nanay ang mga lumang litrato. "Kumain ka muna, hijo. Mahaba ang biyahe ninyo kanina," si Tatay. "Itigil mo muna iyan, Dorica. Pagod pa ang apo natin," Sinirado ni Nanay ang album at binalik sa ilalim ng center table. Evron gave me his charming smile with a hint of smirk. Naningkit ang aking mata. Ano kaya ang nakita niya, mga litrato lang naman nila Nanay noon ang napansin kong napakita sa kanya. "Salamat po," aniya nang binigyan siya ni Tatay ng camote roll. "Ako gumawa n'yan," pagmamayabang ni Tatay. "Kumain ka pa, hijo. Maghahanda ako ng masarap na ulam mamaya," si Nanay at bumaling sa akin. "Hanggang kailan kayo mamalagi rito, Yazmin Paige?" I sighed. She intentionally did it again. "One week or depende, Nay," sagot ko. "Nagtatrabaho na ako ngayon sa Kortez Architecture at may proyekto ako rito sa probinsya,"
Last Updated : 2025-09-12 Read more