Yazmin "Come in." Bumungad doon si Myla na nakangiti at si Sandra... si Marlon, Arjon. Ngumiti ako sa kanila nang pumasok sa opisina. Nilapag pa ni Sandra ang isang box ng donut sa aking lamesa. "Hi, Ma'am Yazmin," hagikhik niya. "A surprise visit," sabi ko at tumayo na rin. "E, kasi. Wait," putol ni Sandra sa sarili niya. "Hintayin namin si Architect at saka ang kaibigan n'ya," si Arjon. Kumunot ang aking noo sa kanila at umupo sa kabilang couch. Mukhang may sadya talaga sila ngunit hindi isinatinig. Bumukas muli ang aking pintuan at naunang pumasok si Architect Enrique at kasunod niya si Mr. Gomez. I smiled but my brows creased a bit. Mukhang silang anim ay pareho ang sadya ngayon dahil nagbabatian sila na tila magkakilala. "Hello, Miss Kortez," nakangiting bati ni William Gomez. Ngumiti ako pabalik. "Morning." "Yazmin, nagpasama si Will sa akin dito," si Enrique. Yeah, I know they are close friends. Kaya nirekomenda ni Enrique ang firm namin sa kaibigan. Umu
Last Updated : 2025-11-06 Read more