● Third Person POV ●"Ang ganda mo, hija," sabi nito."Yazmin," sabi ni Mr. Montemayor. "I'm Elias Montemayor,"Bahagyang tumango si Yazmin. "Yes, Sir,"Ngumiti si Mr. Montemayor nang may binulong si Mrs. Montemayor sa kanya.Napansin niya na agad na inilagay ni Mr. Montemayor ang kamay sa baywang ng asawa. Ngumingiti siya nang magalang habang pareho silang nginitian."Parang gusto nyo na agad ang anak ko," sabi ni Daveon sa mag asawang Montemayor. "Ay naku, Daveon. Sino ba ang hindi magugustuhan ang anak ni Jasmine? Maganda, matalino, matapang—hindi katulad ng ibang babae na gusto lang magpayaman," tawa ni Mrs. Montemayor.Napangisi si Yazmin ng palihim. May nakarinig sa likod niya na na-strike ng mga salitang iyon. 'Ma'am, bet ko na kayo,' sabi niya sa sarili.Tumikhim si Darlynn. "Pinalaki namin si Yazmin para maging isang mabuting asawa, Audriana. Proud kami sa kanya.""Sure you did," makahulugang sabi ni Mrs. Montemayor. "Sige, upo na tayo sa mesa," saad ni Mr. Montemayor."Sige,
Huling Na-update : 2025-08-31 Magbasa pa