Alessia Rae’s Pov. Kinabukasan, wala pa rin kaming pasok sa kompaniya dahil Sunday pa lang at bukas pa ang pasok namin. Walang lakad si Boss at nasa bahay lang kami. Pagkatapos naming mag breakfast ay kinausap niya ako. Naupo kaming pareho sa sala habang magkatabi. "Ano pala pag-uusapan natin?" tanong ko pa sa kaniya. Tiningnan pa niya ako bago bumuntong-hininga. "I heard about what happened yesterday. Are you alright?" tanong pa niya. Napakamot na lang ako ng batok at tumango. "Ayos lang ako," sabi ko pa. Naniniguradong tiningnan pa niya ako bago napabuntong-hininga at nagsalita. "By the way, nakahanap na ako ng doctor para gagamot sa kapatid mo," biglang sabi niya. Nanlaki naman ang mga matang tumingin ako sa kaniya. "Talaga?" "Mmm." "Salamat naman kung gano'n!" nakangiting sabi ko. Magagamot na ang kapatid ko. Thank God! "Pero ayos lang ba sa'yo kung sa U.S siya gamutin?" tanong pa niya. Sunod-sunod na tumango ako. "Oo naman! As long as magagamot ang kapatid ko,"
Terakhir Diperbarui : 2025-09-12 Baca selengkapnya