Alessia Rae Salvatore, isang simple at ambivert type na babae, minsan ay maluko at makulit pero strong ang personality. Pilit siyang nagmakaawa sa isang CEO ng kompanyang pinag-aplayan niya. Nag-resign kasi ito sa pinagtrabahuan niya matapos niyang makipaghiwalay sa boyfriend nitong niloko lang siya at pinagpalit sa isang bakla. Dylan Davy Henderson, an introvert type of guy. Ang CEO ng Henderson company. Masungit at cold ang personality. He felt annoyed when Alessia came to his office at pinagkamalan pa siyang bampira, matandang panot at kulubot ang mukha. Hindi sana niya tanggapin bilang assistant ang dalaga. Pero nang marinig niya itong kausap ang ina sa phone na nangangailangan ng pera ay naawa siya rito. He saw the other bright side of Alessia that he can't find to his girlfriend. Are they destined to each other? Or it's just a simple boss and employee?
View MoreAlessia’s Pov
Binigyan ko ng mag-asawang sampal ang gàgó kong boyfriend matapos mahuling nakipaglaplapan sa kauri nito. Oo. Isang bakla na siyang nagpainsulto sa buong pagkatao ko. "Explain? How can you explain this to me? Ha? Are you kidding me? I'm not stupid para hindi maintindihan ang nakikita ko! H*******k ka! Magsama kayong dalawa ng Petrang Kabayo na iyan," umiiyak na sigaw ko sa pagmumukha niya. "Babe, please..." "At ikaw? Malandi ka! Alam mo namang taken na siya nakipaglaplapan ka pa! Mandiri ka nga! Hindi ka babae kundi lalaki! Wala kang matris kaya 'wag kang feeling babae! At higit sa lahat..." inis na sigaw ko kay Petrang kabayo. "Ang harsh mo, ah!" Petrang kabayo. "Paghilom! (Tahimik!) labaw sa tanan, wala kay bisong! (Higit sa lahat, wala kang lagusan/p****k)" mangiyak-ngiyak na sigaw ko. "N-nakakasakit ka na, ah!" sigaw niya. Inirapan ko ito bago binalingan si Owen na nakangangang nakatingin sa akin. Kumuha ako ng cake at pasalampak na isinubo sa kaniya. "Mula ngayon! Wala ng tayo! Magsama kayo niyang bakla mong kalaplapan! Kadiri ka! Kaya pala hindi mo ako hinalikan sa lips dahil kauri mo rin pala ang hanap mo. Isa kang malaking KADIRI! Ayaw ko na makita pa iyang pagmumukha mo. Magsama kayo!?" sigaw ko pa bago kinuha ang bag ko at humarap uli sa kanila. Hinila ko ang buhok ni Petrang kabayo at pinag-umpog ko ang mga ulo nila bago kinuha ang natirang cake at ipunas sa pagmumukha nila. "Oh my gosh! E-eww!!" maarteng bulalas ni Petra. Ew? Mas ew pa 'yang pagmumukha niyang mukhang p'wet ko lang! Masamang tiningnan ko silang dalawa. "Magsama kayo!" mangiyak na sabi ko at padabog na umalis. Pahablot na kinuha ko pa ang rolyo ng tisyu at sinikahan ng sipon pagkatapos ay pabatong inihagis ko sa pagmumukha ni Petrang bakla bago lumabas ng condo habang umiiyak. "Hoy bakla! Anong kadramahan ba iyan at humagulhol ka riyan?!" rinig ko pang sigaw ng pamilyar na boses. Hindi ko siya pinansin at lalong humagulhol ng iyak at umupo sa gilid ng kalsada. "Huhuhu! Mula ngayon sinusumpa ko ang lahat ng mga bakla sa mundo! Hindi sana sila magiging masaya at magka-jowa––" "Jusko! 'Wag ganun, dzai! Nakalimutan mo atang may bakla kang bff, dzai! Ano bang nangyari? Akala ko ba may date kayo ng boyfie mo––" "Hep! Hep! 'Wag na 'wag mong banggitin ang pangalan ng walang hiyang baklang 'yon, ah! Mula ngayon, ayaw ko na marinig na banggitin mo siya!" umiiyak na sigaw ko pa. Gulat na napatakip ng bibig naman si Milo. "A-anong sabi mo? Bakla si Owen––" "'Wag mo na sabing banggitin ang pangalan niya, eh!" inis na sigaw ko pa. Natahimik na lang siya pagkatapos ay inalalayan ako patayo. "Jusko naman, dzai! Umayos ka nga," sabi pa ni Milo. Hindi ako umimik at nagsimula nang maglakad. "Mil, hindi pa ba ako sapat para ipagpalit sa isang bakla? Panget ba ako? Kapalit-palit ba ako?" malungkot at umiiyak na tanong ko pa na ginaya iyong napanood kong palabas. "Ay, bakla! Hindi naman, Alessia Rae––" "Then, why?" gaya ko pa rin sa line ni Liza Soberano. Nagulat naman si Milo at napatingin sa akin. "Liza Soberano?" tanong pa nito. "Hindi. Kathryn Bernardo," sagot ko kaya napangiwi siya. Hindi ko na pinansin kung saang direksyon na ang tinahak ko dahil nakatingala lang akong naglalakad upang pigilan ang pagpatak ng taksil kong mga luha. Hanggang sa... Nakarinig ako ng sunod-sunod na busina ng sasakyan. Natauhan ako at napatingin sa unahan. Ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang kotseng kunti na lang masasagasaan na ako. Napapikit ako at naramdaman ko ang pagbagsak ko sa kalsada. Katapusan ko na ba? Jusko naman! 'Wag ganun! Kailangan pa ako ng pamilya ko. "Hey! Are you, ok?" "Hindi po ako okay, Lord. Nasasaktan po ako ngayon. Pinagpalit ako sa isang bakla huhuhu. Panget ba ako? Kapalit-palit ba ako?" nakapikit pa ring tanong ko. "Tsk! Liza Soberano?" "Hindi! Kathryn Bernardo!" asar na sagot ko. Bakit ba nila tinatanong, eh––teka! Bakit ako namimilosopo, eh si Papa God ang kausap ko. Baka tuluyan na niya akong kunin, eh wala pa akong sampung lahi na anak jusko po! "Papa God, 'wag mo muna akong kunin, ah. Wala pa po akong lahing sampung anak, eh. Huhuhu," mangiyak-ngiyak na sabi ko pa. "Tsk! Stupid," rinig ko pang sagot ni––teka! Stupid? Napamulat ako ng mata at... MAY G'WAPONG NILALANG NA TUMAMBAD SA MUKHA KO! Napakurapkurap pa ako habang nakatingin dito. Sinuri ko ang mukha niya baka anghel kasi siya at susunduin ako. "Done checking?" tanong pa nito. "Hindi pa," wala sa sariling sagot ko pa. "Tsk!" singhal nito at itinayo ako. Teka! "Hindi ako nasagasaan?" tanong ko pa. "Nope. And if you want to die just jump at the bridge. You're surely die there without disturbing others. Tsk!" blankong sabi pa nito. Napanganga na lang ako. Ang sungit-sungit pala ng damuho na ito. Akala ko pa naman anghel, eh. "Tsk! Stupid little brat," sabi pa nito bago ako tinalikuran. "Hep!" Yung luha ko tuyo na. Pero yung sipon ko may balak pang tumakas sa kampo niya. Napatingin ako sa bulsa nito. Mabilis na kinuha ko ang panyo sa bulsa ng mamahaling slacks nito. Akmang aangal siya ng walang pansintabing sinikahan ko ang panyo niya. "Andami pa lang nakatago na sipon sa ilong ko. May reservoir ata sa loob ah," sabi ko pa at inilabas lahat ng sipon ko. "What the hell!? It's mine!" galit na sigaw pa ni Angel demon! Tss! May sinabi ba akong akin 'to? "Oh, sa 'yo na! Hindi ko naman sinabing akin 'yan, eh. Nakihiram lang po masungit na nilalang na galing pa sa mundo ng mga demonyo sa kasungitan!" nakangusong sabi ko pa bago ibinalik sa bulsa niya ang may sipong panyo niya. "What the fvck!?" umuusok ang ilong na sigaw pa nito. Nginitian ko lang siya bago tinapik ang balikat niya sabay kindat. Binelatan ko pa siya saka iniwang nakanganga. Tss! Gwapo sana kaya lang pinaglihi ata sa kasungitan, eh. Hmp!Nandito ako sa tapat ng condo ni Venice, lumabas ako ng sasakyan at pumasok sa loob. Pinagtitinginan pa ako ng mga naroon marahil ay ngayon lang uli nila ako nakita. Sa pagkakaalam ko, dalawang beses lang ako nakapunta rito noong kami pa ni Venice. Sa aming dalawa, siya ang mahilig na puntahan ako kahit na sabihin ko pang busy ako. And now, I am here for the last time. Not to get back together but to confront her. Gusto kong sa kaniya mismo manggaling kung may kinalaman siya sa nangyari sa amin ng asawa ko last month.Alister was still investigating that incident. Pero hindi ako makapaghintay lang sa tabi. Gusto kong ako mismo ang nakarinig galing kay Venice. At kapag nagkataong may kinalaman nga siya, hindi na ako magdadalawang-isip na ipakulong siya. Kasama ang gahaman niyang ama.Nang makarating sa floor kung saan ang condo unit niya ay malakas ko iyong kinatok, halos kalabogin ko iyon. Wala akong paki kung masira ang pinto.“Who's that? Do you have any plans to break my door––Davy
Davy’s Pov. I was here, sitting in my office while busy checking the financial statement from last month's data report. Hindi maipinta ang mukha ko habang tiningnan isa-isa ang mga documents. Malaki nga ang nawala at nalugi ang kompanya sa last month profit sana. Napasandal na lang ako sa swivel chair ko sabay hawak sa tungki ng ilong ko upang ikalma ang sarili. Hindi pa ako gaano kagaling kung totoosin. Pero pinili kong pumunta rito sa kompanya para sa bagay na ito. Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Kathy na may dalang documents. “Any updates?” I asked. “Here.” Inabot niya sa akin ang hawak na tatlong documents. Napabuntunghininga ako at tiningnan agad ang mga iyon. Masusing binasa ko iyon at nagsalubong ang mga kilay ko ng may mapansin ako. Tila nakiha agad ni Kathy ang pagsalubong ng kilay ko kung kaya’t nagsalita siya. “Na track na namun kung sino ang lihim na nagnakaw sa kita last month. Nung una nahirapan kami kasi ang linis ng transaction. Hindi ma
Davy’s Pov. I was seriously sitting at my patient's bed beside my wife’s bed. She was still unconscious like she was just sleeping peacefully. Up until now, I couldn't process everything. To be honest, I didn't expect that we'd end up like this. Ang saya-saya pa namin nung na raw na yun. Tapos magigising na lang ako na ganito ang sinapit namin, isang buwan na walang malay. At higit sa lahat, hindi pa rin nagigising ang pinakamamahal kong asawa. I will really find out who's behind this incident. I will make them pay for what they've done to us. Siguruhin lang talaga na magigising pa ang asawa ko. Dahil kung hindi… hindi ako magdadalawnag-isip na bawian din sila ng buhay. “Daddy…” napalingon ako sa bunso ko bang tawagin ako nito. Panay ang hikab ni Dalia marahil ay oras na ng pagtulog niya. Pasado alas-otso na rin kasi ng gabi. Samantalang si Dylan naman ay seryusong nakaharap sa hawak nitong ipod, nakasuot pa ng salamin sa mata at may kung anong kinakalikot sa ipod niya. “Daddy,
Third Person's Pov.Lulan ng elevator, titig na titig si Kathy sa batang si Dylan na nakapamulsa ang isang kamay, yung isa naman ay hawak ang nakakabatang kapatid. Hindi pa rin mawari ni Kathy kung paanong nagawa ng bata ang ganun. Kung paanong naisipan ng bata ang bagay na iyon kanina sa kotse ni Venice. Kasi kung totoosin, sa edad nitong anim na taon ay hindi pa dapat alam ang ganung bagay. Mulat si Kathy na ang mga ganuong edad ay dapat laruan pa ang hawak at hindi dart na nakakamatay.Ngayon lang napagtanto ni Kathy kung gaano nga ka-talino at matured ang bata. Ibang-iba sa nga bata kung mag-isip. Dinaig pa talaga ang matanda.“Baby, bata ba talaga ‘to?” Turo ni Kathy sa bata habang nakatingin sa nobyo o fiancee na si Johan.Johan chuckled. “Well, yeah. But he's special,” he answered.“Special? Like a special child?” nakangiwing tanong ni Kathy.Saktong bumukas ang elevator at naunang lumabas ang mga bata. Nakasunod naman ang mga ito.“Yes, but it's like what you think. He’s speci
Third Person's Pov.Lumioas ang nga araw, hindi pa rin gising mag-asawang Henderson, nakahilata pa rin ang dalawa sa isang pribadong silid ng hospital. Pabalik-balik sina Johan at Kathy roon habang inaalagaan ang dalawang batang naiwan. Tuwing may event sa school ni Dylan ay si Kathy at Johan ang umattend. Kahit ganun pa man, hindi pa rin nakikitang ngumiti man lang ang bata. Hindi tulad ni Dalia na napapatawa ni Kathy o kaya naman ni Johan. Tulad ngayon, binibiro ni Kathy ang batang babae habang si Dylan ay tahimik na nakatingin sa labas ng bintana.Sinundo kasi ito nina Johan sa paaralan nito at dederetso sa hospital. It's been a month since the incident happened. Ongoing pa rin ang imbestigasyon sa nangyari.Napansin ni Kathy na tahimik lang si Dylan kung kaya’t kinalabit nito ang bata.“Dylan, are you okay?” Kathy asked.Dylan shook his head. “I’m not okay as long as my mom and dad are still unconscious. I can't feel at ease,” seryusong sagot ng bata.Natameme pa si Kathy dahil sa
Third Person's Pov.Naalarma ang mga taong nasa dalampasigan nang manarinig at makina nila ang pagsabog ng isang yate sa ‘di kalayuan. Kahit ang mga staff na naka-responde ay mabilis na naalarma at pinuntahan ang nangyaring pagsabog. Nagkagulo ang mga tao habang hinihintay ang balita kung ano ang nangyari. Samantala, tila gumuho ang mundo ng isang batang lalaki habang nakatayo sa dalampasigan at nakatanaw sa sumabog na yate. “Mom… Dad…” ang munting iyak ng bata.Nagpupumilit itong tumakbo papunta sa dagat subalit agad itong napigilan ng kaibigan ng ina.“Dylan, don't! It's dangerous!” “I want to see my mom and dad, Tita Mommy!” Dylan hissed but his tita mommy didn't let him go.“Dylan, let's wait here, okay?” pagpapakalma naman ng isang lalaki sa buhat-buhat ang kapatid ni Dylan na si Dalia.Bakas ang pag-aalala sa mukha ng bagong engaged. Laking gulat ng mga ito nang malaman na may sumabog at napagtanto ng mga ito kung kaninong yate ang sumabog.“My mom and dad are safe, right?” ba
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments