James’ POVSabi nila, kapag mahal mo, ipaglalaban mo. Pero sa sitwasyon ko, hindi ko ‘yun nagawa. Hindi ko man lang siya pinaglaban sa lahat ng nang-aapi sa kanya. Hindi naman ako ganito dati eh—lahat ng gusto ko, nakukuha ko. Lahat ng babae, kaya kong paibigin.May mga laban na kaya mong ipanalo, pero hindi mo kayang ipaglaban—sabi nila. Kung maibabalik ko lang sana ‘yung oras, ano kaya ang magiging kahihinatnan noon?“Are you okay, son?” Pilit na ngiti na lang ang sinukli ko sa tanong ni Mommy. Hindi ko magawang ngumiti, lalo na’t dalawang araw na lang ay gaganapin na ang bangungot ng buhay ko—ang ipakasal sa babaeng hindi ko na gusto, at ang malayo sa babaeng iniibig ko.Kusa na lang bumagsak ang luha sa kaliwang mata ko. Sabi nila, kapag umiyak daw ang lalaki, bakla. Nakakabakla man, pero gusto kong umiyak. Masakit. Hindi lahat ng lalaking umiiyak ay bakla na. Subukan mo kaya'ng tanungin kung ano ang problema nila—baka sakaling maintindihan mo kahit isa.“Bro! Huwag ka namang masy
Last Updated : 2025-10-30 Read more