Mistulang patalim ang boses ni Lucas na hiniwa ang hangin. “Kahit na gusto mong makita si Dominic, hindi ito ang tamang paraan. The Buencamino didn’t invite you tonight.”Iyon naman talaga ang totoo, hindi inimbitahan si Hazel ng mga ito at kagagawan lahat nito. She had been a thorn in his side ever since the scandal with Amelia.Humalakhak siya nang binanggit nito ang fiance niya. “What would I need him for?”“Eh, kung hindi siya, bakit nandito ka?” asik nito, lumamig ang boses. “Do you think Dominic will let you make a scene? Now that it’s too late, you panic?”Muling sumagi sa alaala ni Lucas ang sinabi ni Dominic kanina sa ospital: hindi nito pakakasalan si Hazel kailanman. Para sa kanya, simple lang sana ito pero sumobra na si Hazel. Pwedeng balewalain ang pagta-tantrum nito, pero hindi niya pwedeng i-tolerate ang skandalong hiwalayan at ang pamimilit nitong umalis ng bansa si Doc. Gomez.“Tanggapin mo na lang kasi ang katotohanan,” he sneered, “wala na kayo ni Dominic. Ikaw ang
Last Updated : 2025-10-03 Read more