Tumiim bagang si Domenic.Dapat walang makakaalam sa pag-iimbestiga niya. Ngayon na may mga taong nag-ii-espiya sa kanya, kailangan nitong itago ng mabuti ang sekreto nito. Tumaas ang balahibo niya sa batok nang marinig ang pangalan ni Hazel, biglang kikirot ang ulo niya at kulang na lang ay sasabog. Ngayon, ayaw niya ring pakinggan ang pangalan nito. Sumiklap ang apoy sa loob-looban niya nang maalala ang lalaking kasama nito, parang hinati sa dalawa ang puso niya.Nagtataka siya sa nang bigla siyang makaramdam ng sakit. Sino ba ang lalaking kasama nito?Kapagkuwan ay pumasok ulit siya ng ward, umiigting ang panga, madilim ang mga mata. Inangat ni Amelia ang ulo habang nakahiga sa hospital bed. “What’s wrong?” mahinang tanongnito. “Ang kompanya na naman ba?”Wala siyang balak banggitin si Hazel. Hindi naman kailangan. Napailing siya, mariing nilapat ang mga labi. “It’s nothing,” rason niya.Naghari ang katahimikan sa pagitan nila, pero hindi nila maiiwasan maamoy ang mabigat at masang
Huling Na-update : 2025-09-29 Magbasa pa