“Basta, ang goal namin, sulit na sulit ang last night mo bago ka maging officially tied!” dagdag ni Ethan habang nakangisi. Napailing ako at natawa. “Basta, huwag lang kayong gumawa ng kalokohan, ha?” “Tina, ano ka ba, ‘di namin gagawin ‘yon… sa harap mo,” biro ni Loury na sinabayan ng malakas na tawanan ng grupo. “Sira talaga kayo,” natatawang sabi ko habang si Justin ay mukhang may halong kaba at excitement. “Bro, enjoy mo na lang! Wala nang atrasan ‘to!” sabi ni Franz habang tinatapik si Justin sa balikat. Napabuntong-hininga na lang si Justin bago ngumiti. “Mukhang magiging wild ‘to, ah.” “Syempre naman! Ano ka, sinuswerte?” sagot ni Ethan. Ramdam ko ang excitement at saya sa paligid. Alam kong magiging busy ang mga susunod na araw, pero sa suporta ng mga kaibigan namin, sigurado akong magiging masaya ang lahat ng ito.Masaya kaming lahat na nag-uusap sa sala. Ramdam ko ang init ng pagsasama namin, pa
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-10-22 อ่านเพิ่มเติม