**Tina’s POV** Matapos ang walang katapusang pang-aasar mula sa pamilya ni Justin, napagdesisyunan na naming magpaalam muna. Kailangan na rin naming bisitahin ang bago naming bahay sa Manila, ang magiging opisyal naming tahanan bilang mag-asawa. Habang tinatapos namin ang almusal, hinawakan ko ang kamay ni Justin at mahinang bulong, **"Mahal, baka kung ano na namang topic ang mabuksan nila. Umalis na tayo bago pa nila sundan ‘yung usapan kanina!"** Napangisi siya at bumulong pabalik, **"Bakit, love? Nahihiya ka pa rin? Asawa na kita, wala ka nang kawala."** Pinandilatan ko siya at sinipa nang mahina sa ilalim ng mesa. **"Justin, seryoso ako!"** Natawa siya bago sumandal sa upuan at lumingon sa mga magulang niya. **"Ma, Pa, aalis na muna kami. Pupuntahan namin ang bagong bahay sa Manila."** Agad na nagliwanag ang mukha ni Mrs. Villanueva. **"Ay, ang bilis naman! Sige, sige! Mag-ingat kayo, ha? Sabihan niyo kami kung kailan p
Last Updated : 2025-11-02 Read more